AnnaSaga
CHAPTER 1
Ako si Liliennie Rhina Dela merced, Nag-aaral ako ng kursong nursing at ikalawang taon ko na ito sa kolehiyo.
Mahirap lang ang pamumuhay namin ni Auntie. Bukod sa may iniinda rin itong sakit,ay wala rin itong kamag-anak na natitira. Inampon nya lang din naman ako binihisan, pinag-aral at binuhay hindi ko naman talaga sya kamag anak.
Simula raw kasi nang lumayas ito sa kanila noong bata pa dahil sa amang malupit at mapagsamantala, wala na itong naging balita pa sakanyang mga pamilya. Hindi rin ito naglakas loob na bumalik sa lugar nila. Dahil sa kahihiyan na pwede nitong idulot sa kanyang mga magulang dahil sa pagtatrabaho bilang isang babaeng bayaran.
Nagdalaga at namuhay si Auntie bilang bayarang babae sa isang bar at nang malugi ay pinabayaan na sila at hinayaang malugmok sa hirap.
"Kaya ikaw Lilinnie..Kung lalandi karin naman, Don na sa mayayaman na pakalat kalat sa labas ng unibersidad na pinapasukan mo. Hindi iyong magjojowa ka ng palamunin pa."May pagkamuhi na wika nito sa'palamunin pa'. Nagsesermon na naman ito dahil nakita raw ako ng kapit-bahay na may kasamang lalaki kahapon sa may tapat ng generika. Sino naman kaya yon?
"Wala nga hong boyfriend eh." Sagot ko naman. Dahil totoong fucos ako sa pag-aaral ko ngayon.
"Sus,Dalagita kana Kaya kita pinapangaralan ng ganyan.Baka maya maya ay umuwi ka ritong lumulubo na ang tyan."
"Auntie naman." Saway ko sa bintang nya Sa'kin.
"Auntie naman, auntie naman. Susko, Liliennie. Hindi ako bulag, nakita ko kung anong nasa kwarto mo nong nakaraan." Tumalikod na ito sa akin at nagpatulog sa labas upang mag sampay ng mga damit.
"Tiya, boxer iyon na ipinabili sakin ni Kristal." Pagsisinungaling ko.
"Amoy lalaki, Liliennie. Naoperahan lang ako sa kidney hindi sa ilong. Kaya amoy na amoy ko iyon." Paniningkit ni tiya sa akin.
"Sana mayamang lalaki iyan. Yan ba iyong nag padala Sa'yo ng pera para sa operasyon?"
TO BE CONTINUE