inkaintsimp
"Sabi nila, iisa lang ang langit na nakatongod sa ating lahat. Isang malaking kasinungalingan."
Si Anya ay isang sertipikadong promdi-makulit, maldita, palabiro, at may kaunting pagka-isip-bata. Pero huwag na huwag mong aapihin ang pamilya at mga kaibigan niya, dahil handa siyang makipagsabunutan at makipag-away kahit kanino, bitbit ang kaniyang tsinelas na magkaiba ang kulay at pusong walang inuururukan. Lumwas siya ng Maynila para maging isang working student sa sikat at elitistang unibersidad, ang St. Jude International College, umaasang tahimik niyang itataguyod ang kaniyang mga pangarap.
Ngunit sa unang araw pa lang niya sa unibersidad, bumangga na siya sa pader.
Si Jace ang lalaking nagmamay-ari ng mukhang nililok ng anghel ngunit may ugaling daig pa ang sumasabog na bulkan. Siya ang depinisyon ng mataas ang attitude at mas mataas pa sa langit ang standards. Para sa kaniya, ang isang katulad ni Anya ay isang mantsa sa kaniyang perpektong mundo ng karangyaan.
Sa ilalim ng magkaibang langit na kanilang kinalakihan, magtatagpo ang dalawang mundong hindi dapat magkasama.
Isang lalaking walang ginawa kundi magmataas, at isang probinsyanang walang ginawa kundi ibaba ang kaniyang ere.
Sa gitna ng mga asaran, hiyawan, kampihan ng mga lokolokong kaibigan, at walang-katapusang gyera sa campus... paano nga ba tuturuan ng isang promdi ang isang elitista na magmahal nang walang sinusunod na pamantayan?
Matututunan ba nilang tumingin sa iisang direksyon, o mananatili silang magkaiba sa ilalim ng magkaibang langit?