misssweetfy
Akala niya, nakamove on na siya hanggang sa bumalik ang babaeng minsan niyang minahal... o akala niya iyon.
Sa muling pagtatagpo nila, natuklasan niyang ang kaharap niya ay hindi ang ex niya, kundi ang kakambal nito na nagtatago sa likod ng isang kasinungalingan. Sa gitna ng galit, lihim, at mga hindi natapos na damdamin, unti-unting nalilito ang puso niya dahil habang hinahanap niya ang nakaraan, nahuhulog naman siya sa taong nasa harap niya ngayon.
Pero paano kung ang pagmamahal ay dumating sa maling pagkakataon?
At paano kung ang taong pinili mo... ay malapit mo ring mawala?
Sa isang kwentong puno ng sikreto, sakripisyo, at pag-ibig pipiliin mo ba ang totoo, kahit masakit... o ang puso mo, kahit huli na?