waevdenyard
🫐Spectrum of Becoming #6
. . ☁︎ . ☁︎ . .
Isang sulyap. Isang katahimikan. Isang pakiramdam na hindi maipaliwanag.
Sa mundong pumapabor sa ingay, nakahanap ng kanlungan si Liora Illia Guevara sa sarili niyang katahimikan. Nasanay siya rito, hindi dahil wala siyang gustong sabihin, kundi dahil mas ligtas doon. Malinaw sa kaniya ang mundong tahimik.
Samantala, si Ezechielle Ynigo Villegas ay kabaligtaran niya. Kilala, hinahangaan, at matunog ang pangalan. Sanay siya sa atensyon at sa mga matang laging nakamasid. Ngunit sa gitna ng ingay, isang babaeng hindi humihingi ng atensyon ang napansin niya. Isang katahimikang hindi niya maalis sa isip.
Sa pagitan ng mga salitang hindi nasabi, mga tinging iniiwasan, at mga damdaming pilit ikinukubli, unti-unting nagiging mas malinaw ang katahimikan sa pagitan nila.
May mga salitang hindi kailangang isigaw.
May mga damdaming mas totoo kapag hindi binibigkas.
At sa loob ng katahimikan, nagsisimula ang paglalakbay patungo sa pagtuklas ng mga boses na may kulay tayum.