ForeverInTales
Sa isang isla na hindi nakikita sa mga mapa, lumaki si Serina Elira Dela Costa kasama ang kanyang Lola. Tahimik ang buhay nila, walang kuryente, walang internet, pero puno ng mga kwentong niluluto ng araw, halakhak ng alon, at simpleng pamumuhay na tila nakalimutan ng mundo.
Walang ibang nakakalam sa islang iyon. 'yun ang akala nila.
Isang hapon, habang masayang sumasayaw si Serina sa tabing-dagat, yakap ng hangin ang kanyang saya, isang bangka ang dumaong. Bumungad ang grupo na mga armado, mukhang hindi sila basta-basta.
Napatigil siya at napaatras. Agad na kinuha ang kanyang asong si Lumo at tumakbo papunta sa bahay kung saan abalang nagluluto ang kanyang Lola ng paborito nilang sabaw.
"Lola... may mga tao! may baril sila!"
Hindi nila alam, ang simpleng araw na iyon ang magbabago sa lahat.
Isa sa mga turista... ang tunay na may-ari ng isla, at ang masakit ay hindi nila iyon alam. Matagal na palang hindi kanila ang islang minahal nila.
Sa katahimikan ng gabing 'yon, nagdesisyon silang lisanin ang lugar na naging tahanan nila. Napilitang lumipat sa siyudad at magtrabaho para sa lalaking may hawak ng isla, isang estranghero, na hindi pwedeng sawayin.
Ngunit sa pagitan ng malalamig na kalsada ng siyudad at mainit na alaala ng isla, magsisimula ang bagong kwento ni Serina sa mundo na hindi niya kailanman pinangarap pasukin, pero baka doon niya matuklasan kung bakit nga ba ganito ang ginawa ng tadhana sa kanila.
magiging maganda kaya ang magiging tadhana n'ya?