elisebensig10
Sa likod ng isang bahay na tila kumpleto, may isang batang lumaki sa gitna ng sigawan, luha, at katahimikan. Si Mia ay nasanay sa sakit ng pamilyang unti-unting nagkakawatak-watak-isang tahanang dati'y puno ng pagmamahal, ngunit ngayo'y napalitan ng galit at distansya.
Habang lumalaki, pilit niyang inuunawa kung bakit nagkaganito ang lahat. Bakit ang mga taong dapat nagbibigay ng saya ay siya ring nagdulot ng sakit? At bakit sa kabila ng iisang bubong, pakiramdam niya ay nag-iisa siya?
Isang kwento ng isang batang natutong maging matatag sa gitna ng pagkawasak-at kung paano niya bubuuin ang sarili sa kabila ng isang bahay na wala nang tahanan.