glrus_gail
THAT ONE LIAR
Anim silang magkakaibigan na may iisang bisyo-
late night drinking sessions na parang therapy, parang escape, parang katotohanan.
Sa bawat tagay, mas nagiging honest ang lahat.
Except Blair.
Blair knows how to tell stories.
She knows how to bend the truth just enough para paniwalaan.
Alam niya kung kailan tatahimik.
Alam niya kung kailan iiyak.
Alam niya kung kailan aamin-pero hindi buong totoo.
Sa simula, harmless lang.
Maliit na exaggerations.
White lies.
Details na "nakalimutan" lang banggitin.
Hanggang sa may isang kasinungalingan na naging impluwensya.
Isang kwento na pinaniwalaan ng lahat.
Isang desisyon na ginawa dahil sa maling paniniwala.
Isang gabing may nangyaring hindi na mababawi.
At doon nagsimula ang unti-unting pagkawatak.
Hindi dahil sa alak.
Kundi dahil sa isang lie na naging dahilan para magbago ang tingin nila sa isa't isa.
Dahil minsan, ang pinaka-mapanganib na tao sa isang circle
ay hindi yung maingay.
Kundi yung marunong magkwento.
At kapag nabunyag ang totoo,
may isang tanong na babalik sa kanila-
Did she lie to protect them?
Or did she lie because she could?