Jellyfishyako
Sa isang prestigious campus kung saan power at reputation ang basehan ng respeto, dalawang magkaibang mundo ang magtatagpo.
Si Phromp Thong-kilalang bully, kinatatakutan ng lahat. Walang pakialam sa rules, walang kinatatakutan, at sanay na siya ang may kontrol sa lahat. Para sa kanya, ang mundo ay simpleng laro lang ng lakasan at tapangan.
Samantala, si Joshua Arya-isang lowkey rich kid mula sa sikat na Arya Holdings. Tahimik, observant, at hindi mahilig makisali sa gulo. Pero sa likod ng kalmadong aura niya, may kakaibang tapang na hindi inaasahan ng kahit sino.
Isang hindi inaasahang encounter ang mag-uumpisa ng pagbabago.
Habang ang iba ay umiiwas kay Phromp, si Joshua naman ay lalapit. Hindi para kalabanin... kundi para intindihin siya.
Pero ang tanong-
kaya bang baguhin ni Joshua ang isang taong sanay maging masama?
O siya mismo ang mahuhulog sa gulo... at sa bully na hindi marunong magmahal?
Sa pagitan ng pride, power, at unspoken feelings...
magiging "good boy" ba si Phromp-
o magiging boyfriend siya ni Joshua?
A story about control, change, and the kind of love na hindi mo inaasahan... pero hindi mo rin kayang iwasan.