Ailemah19
isang waitress. Isang nakatagong pagkatao. Isang lalaking balot sa misteryo. At isang pamilyang handang sirain siya.
Akala ni Bea Mendoza, hanggang pangarap lang ang sarili niyang pastry shop at tahimik na buhay sa coffee shop na pinagtatrabahuhan niya. Pero isang araw, gumuho ang mundong kilala niya nang matuklasan niyang siya pala ang nawawalang tagapagmana ng Montemayor family isang angkan na kilala sa yaman, kapangyarihan, at mga eskandalong pilit nilang ibinabaon sa lupa.
Pagpasok ni Bea sa marangyang buhay ng mga Montemayor, sinalubong siya ng pag-aalinlangan, paghamon, at mga matang sabik siyang makitang madapa. Pero higit pa sa mga matatalim na tingin at mapanlinlang na ngiti ang tunay na panganib.
May mga lihim na mas malalim, mas madilim... at konektado sa kanya sa paraang hindi niya kailanman inasahan.
At sa gitna ng lahat ng ito, naroon si Gabriel-isang lalaking misteryoso, tahimik, at tila mas alam ang nakaraan ni Bea kaysa sa mismong pamilya nito. Sa bawat paglapit niya, mas lumalakas ang tibok ng puso ni Bea... pero mas lalo ring lumalalim ang panganib.
Sa mundong puno ng pagtataksil, kasinungalingan, at kapangyarihan-sino ang dapat niyang pagkatiwalaan?
At mas mahalaga-Hanggang saan ang kaya niyang isakripisyo para sa katotohanan... at sa lalaking unti-unti niyang minamahal?