Shaniahmaesanjuian
Sa likod ng mga ngiti, may kwentong hindi mo pa alam.
Ako si Shaniah, isang simpleng dalagita na lumaking salat sa luho, pero puno ng pangarap. Dito mo makikilala ang isang pamilyang nakatira sa bahay na kalahati lang ang may bubong, may poso pero walang gripo, walang kuryente kundi powerbank at pakikisuyo.
Isang kwento ng masikip na higaan, pawisang gabi, pamaypay imbes na electric fan, at sakripisyo ng magulang para lang may makain kami. Kwento ng kapatid kong dati'y estudyante lang, pero ngayo'y pagod na sa trabaho.
Kwento ng tahanang puno ng kulang-pero hindi nauubusan ng tibay.
Ito ang kwento ko. Totoo. Masakit. Pero sa kabila ng lahat-buhay ko ito.