rxnkxte
Sa mundo ng politika, hindi lahat ng laban ay nasa kamera, minsan, ito ay nasa pagitan ng dalawang pusong nagtatago sa dilim. Isang pag-ibig na inakalang totoo, subalit unti-unting binabalot ng pagpapanggap at pagtataksil.
Sa pagitan ng kapangyarihan at pag-ibig, may pusong kailangang pumili. Isang lihim na relasyon, isang kasunduang hindi matatakasan, at isang pagbabalik na muling magpapaalab sa nakaraan. Ngunit sa isang mundong nababalot ng ilusyon, alin ba ang tunay at alin ang panaginip?