Raja_Merfyn
Si Anastasya ay tulad ng isang rosas-maganda, mabangis, at may matatalas na tinik.
She's captivating yet untouchable. No man dares to claim her, because she is a man-hater-deadly and untamed.
Lumaki siyang nakakulong sa anino ng isang malupit na ama, dahilan ng kanyang matinding poot sa mga lalaki. Ngunit higit pang lumalim ang kanyang galit nang matagpuan niyang patay ang kambal niyang si Anasandra-ginahasa at walang awang pinaslang.
Determinado siyang makuha ang hustisya, Anastasya steps out of her comfort zone. She becomes Anasandra.
Sa kanyang bagong katauhan, hindi lang sikreto ang dala niya, kundi isang plano-hanapin at patayin ang demonyong sumira sa buhay ng kapatid niya. Ngunit sa gitna ng kanyang paghahanap, nakasalubong niya ang lalaking sisira sa kanyang mga paniniwala-si Maximo Del Castillo.
A billionaire. A narcissist. A man who never takes 'no' for an answer.
Sa unang pagkikita pa lang nila, tila nahulog si Maximo sa kanya. At sa hindi maipaliwanag na dahilan, wala siyang nagawa nang bigla siyang yayain nitong pakasalan. She should have refused, but she saw an opportunity-he could be useful.
Kahit allergic siya sa presensya ng mga lalaki, she agreed.
Pero isang bagay ang hindi niya inaasahan-unti-unti siyang bumibigay sa init ng haplos ni Maximo. Ang dating mabagsik na rosas, nagiging marupok sa kanyang yakap.
Ngunit sa paglambot ng kanyang puso, unti-unti ring naliligaw ang kanyang misyon.
Paano kung ang pag-ibig ang maging dahilan ng kanyang pagkatalo? At paano kung ang lalaking minahal niya... ang mismong taong dapat niyang patayin?