Angelynnyx
Bilang Senior Agent ng Tarecasi Company, sanay si Kinsley sa panganib. Pero hindi siya inihanda ng tadhana para kay Philip-ang tuso at malupit na pinuno ng Yuterasi Mafia. Isang pagkakamali sa misyon ang naging kapalit ng kanyang kalayaan.
Sa loob ng madilim na kuta ng mga Hoffman, hindi lang katawan ni Kinsley ang pinahirapan. Bawat latay, bawat hapdi, at bawat gabing puno ng paghihirap ay bahagi ng plano ni Philip para tuluyan siyang mapasuko. Pero sa gitna ng torture at takot, isang lason na uri ng pag-ibig ang sumibol. Isang obsesyong hindi hahayaan ni Philip na matapos hangga't hindi nagiging kanya ang huling hininga ng babae.
Ginawa siyang asawa. Ginapos sa gintong hawla.
Ngunit sa bawat haplos ni Philip na may bahid ng dugo, naroon ang mga mata ni Aaron Villafuerte. Ang medic na tahimik na nagpapagaling sa kanyang mga sugat. Ang lalaking handang suwayin ang demonyo at itaya ang sariling buhay para lang sa isang pagkakataong makita si Kinsley na malaya.
Sa mundong puno ng traydor, sino ang dapat pagkatiwalaan? Ang lalaking binuo ang pagkatao mo sa gitna ng sakit, o ang lalaking handang mamatay para lang hindi ka na muling masaktan?
Welcome to a world where love is a punishment, and freedom is a death sentence.
Title: TORTURED BY A MAFIA
Author: Angelynnyx
END- MARCH 24 2024
REVISE- APRIL 30 2026
REVISING AGAIN- SEPTEMBER 16, 2026