leinsworld
Apat na ordinaryong Pilipino. Apat na magkakaibang buhay. Isang aksidenteng magdadala sa kanila sa mundong matagal nang pinoprotektahan ng mahika, dugo, at tadhana.
Si Kian, isang drag queen na sanay lumaban sa entablado at sa mapanghusgang mundo; si Ysabel, isang BS Criminology graduate na naniniwala sa batas at hustisya; si Nico, isang binatang lubog sa utang at takot mabigo ang pamilya; at si Mira, isang artist na ginagamit ang sining para takasan ang sakit ng nakaraan.
Hindi nila kilala ang isa't isa. Ngunit matapos ang magkakasabay na aksidente, magigising sila sa isang kakaibang paraiso-tahimik, maganda, at tila walang naninirahan. Hindi nila alam na napunta sila sa Encantadia, isang mundong minsang pinrotektahan ng mga Sang'gre at ng apat na makapangyarihang brilyante.
Sa simula, wala silang kapangyarihan. Wala silang gabay. Wala silang alam sa mundong pinasok nila. Hanggang sa madiskubre nila ang isang sinaunang relikya na magpapasabog sa apat na elemento-Apoy, Hangin, Tubig, at Lupa.
Ngunit habang unti-unti nilang natutuklasan ang kapangyarihang dumadaloy sa kanila, maririnig nila ang tawanan ng apat na babaeng hindi nila nakikita. Mga tinig mula sa nakaraan. Mga tagapag-ingat na hindi na mortal, hindi na basta Sang'gre, kundi mga Bathalumang nagmamasid sa bagong henerasyon.
Hindi sila pinili dahil perpekto sila.
Pinili sila dahil alam nila ang pakiramdam ng mabasag.
At sa muling paggising ng Encantadia, isang tanong ang susubok sa kanila:
Sino ang tunay na bayani-ang ipinanganak na may kapangyarihan, o ang dayuhang piniling lumaban kahit walang kasiguraduhan?