iraiyaavocado
Sa isang school kung saan sinusukat ang halaga ng estudyante sa grades, medals, at rankings, si Elara Zeinaiah Reyes ay kilala bilang ang babaeng laging nasa itaas-tahimik, matalino, at walang puwang para magkamali. Sa kabilang dulo naman, si Adrian Cainleiran Vale-ang lalaking palaging nauuna sa kaniya, mas tahimik, mas malamig, at mas mahirap basahin.
Magkaribal sila.
Sa academics.
Sa expectations.
Sa mundo.
Pero sa likod ng mga quiz, exams, at kompetisyon, may isa silang lihim-pareho silang nagsusulat ng tula online, anonymous, walang pangalan, walang mukha. Doon, nagkakilala sina Ink at Cipher. Dalawang manunulat na naglalabas ng pagod, pangarap, at mga damdaming hindi nila kayang sabihin sa totoong buhay.
Habang ang buong internet ay unti-unting nahuhumaling sa kanilang mga salita at sinisimulang i-ship ang dalawang anonymous poets, hindi nila alam na sa personal na mundo, sila ay araw-araw na nagkakasalubong-bilang magkaaway sa rankings.
Habang tumitindi ang academic war sa paaralan at dumarami ang expectations mula sa teachers, magulang, at sarili, unti-unting nagiging mas personal ang kanilang mga tula. Mas totoo. Mas mapanganib. Hanggang sa dumating ang tanong na kinatatakutan nilang pareho:
Paano kung ang taong pinaka-nakaintindi sa'yo... ay ang taong tinuring mong kalaban?
Isang kwento tungkol sa:
academic rivals na pagod nang patunayan ang sarili
anonymous love sa internet
poetry na mas nauuna kaysa pag-amin
pressure ng pagiging "magaling"
at pag-ibig na nabuo sa pagitan ng mga salitang hindi kailanman sinadya para sa isa't isa
Dahil minsan, hindi ka matatalo sa exams-
pero matatalo ka sa damdaming hindi mo inaasahan.