Moriartyonbreak
LUZ DE LUNA SERIES #1
Anak ng isang kilalang pinuno na si Emilia Elena Montoya, lumaki sa karangyaan at magandang asal. Sa bawat pagtitipon at handaan, pinipilit niyang maging perpektong dalaga ng mataas na lipunan, maingat sa bawat kilos at salita, at laging pinapanatili ang dangal ng kanyang pamilya.
Isang sundalo na si Pedro Santiago Domínguez, disiplinado at tapat sa tungkulin, na palaging nakamasid sa bawat kilos ng babaeng kanyang pinoprotektahan. Hindi niya alam na sa likod ng marikit na anyo ni Emilia, unti-unting nabubuo ang damdaming mahirap ipaliwanag sa pagitan nila.
Sa mundong puno ng utos, paninindigan, at lihim, hanggang kailan kayang itago ni Emilia ang kanyang tunay na damdamin--at ano ang mangyayari kapag natuklasan ni Pedro ang kanyang puso?