QueenofHysteria
Eldridge Elite Academy-hindi lang ito isang paaralan; it was a battleground. Sa bawat araw, bawat oras, bawat segundo, ang mga estudyante ay naglalaban para sa mas mataas na ranggo, dahil sa loob ng makakapal na pader ng akademyang ito, ranking meant everything. Dito hinuhubog ang mga utak na magpapatakbo ng bansa, ang mga nagtatapos bilang CEO, pulitiko, at mga innovator. Pero sa ilalim ng prestihiyong iyon, may isang sikreto na hindi alam ng karamihan-ang sistema ng ranggo ay mas higit pa sa simpleng numero. It controlled their lives, their futures. At para sa sampung nasa tuktok, hindi lang nila hinahabol ang tagumpay; hinaharap nila ang hindi nila inaasahang peligro.
"Congratulations," sambit ng principal sa limang babae at limang lalaki na nakahanay sa harap ng buong eskwelahan. "You are this year's top ten." May bumalik na ngiti ang ilan, habang ang iba'y tahimik na nagbulungan, mabigat ang mga tingin sa bawat isa. Hindi lahat ng ngiti ay masaya. Dahil sa Eldridge, ang pagiging nasa tuktok ay hindi palaging gantimpala-minsan, ito'y isang parusa.