darikadaria
Sa kanilang magkakapatid, sya lang ang masasabi ng iba na mabagal ang paglabas ng kanyang kapangyarihan. Siya lang rin ang mahinhin na hindi mabilis magalit. Umabot na sa punto na ginagamit sya dahil sa kanyang kahinaan.
Lingid sa kaalaman ng lahat, sya ay lihim na nag-aaral ng mga ipinagbabawal na libro na gawa pa ng ilang libong taon.
Maraming sekretong mabubunyag sa oras na lalabas na ang kanyang tunay na katauhan. Maraming madadamay sa kanyang galit, ngunit kakayanin ba ng kanyang konsensya na saktan ang kanyang pamilya?