_rewrites_
Sa isang taon na pasulyap-sulyap, hindi inaasahan ni Alisha na makakasama niya sa iisang klase ang lalaking matagal niya nang hinahangaan. Si Dylan Yves Villaruel, maging kumanta, umarte, sumayaw, hindi nawawala ang kagwapuhan sa mukha nito at mas lalong nakakagusto nga naman ang pagiging mabait at gentleman niya.
Ngunit kahit nasa iisang klase ay hindi niya kayang lumapit, hindi dahil nahihiya siya, dahil hindi alam kung ano ang dapat na dahilan para lumapit dito. Kaya mula noon, naging sapat na sa kaniya ang pagtingin dito mula sa malayo, na kahit anong gawin nito ay mananatili ang distansyang binuo niya.
Pero paano kung ang mga tao na mismo sa paligid nila ang naglalapit sa kanila? Paano kung naging masyadong halata ang pagtingin niya dito? Kakayanin kaya niyang umiwas? Hanggang kailan nga ba siya makokontento sa pagsulyap at pagtingin dito mula sa malayo.