Pensylovellaa
Dark Eclipses-ang bandang sumikat noong senior high school pa lamang si Elixcia Heígnn Morgan. Hindi niya kailanman inakala na magiging close siya kay Cohen Cerujano, ang main vocalist at guitarist ng banda.
Cold, aloof, and always surrounded by darkness ang buhay ni Cohen. But everything changed when Elixcia came into his life. She made him laugh, made him happy, and somehow made his boring world feel alive.
Dahil doon, naging close silang dalawa hanggang sa nauwi sa isang secret relationship ang lahat. Pareho pa silang menor de edad noon, pero minahal ni Elixcia si Cohen nang buong puso.
Until she discovered the truth.
Hindi pala siya mahal ni Cohen. Ginamit lang siya nito para makalimot sa ex-girlfriend nito.
Deeply hurt and heartbroken, Elixcia chose to leave.
Lumipas ang ilang taon at pilit niyang kinalimutan ang lahat ng nangyari sa pagitan nila.
Pero muling pinagtagpo ng tadhana ang dalawa.
This time, hindi bilang member o kaibigan ng Dark Eclipses.
Kundi bilang employee at CEO.
Si Cohen Cerujano ang bagong boss niya.
Her first love.
Her former lover.
Her boss.
Her biggest heartbreak.
Ang lalaking sumira sa puso niya.
At ang lalaking ilang taon niyang pilit tinatakasan.
Pero ngayon, hindi na si Elixcia ang hahabol.
Si Cohen naman.
Dahil kahit ilang taon ang lumipas, isang bagay ang hindi nagbago-
Mahal pa rin niya si Elixcia.
And this time, he is determined to win her back.
Pero kung bibigyan sila ng second chance...
Mapapatawad pa kaya ni Elixcia ang lalaking minsang dumurog sa puso niya?