sulatnisunny
"Ang halik na 'yan ang nagsasabi na akin ka na binibini."
Si Selina Santiago ay prinsesa ng kanilang hacienda, anak ng mayamang principalia sa Hagonoy, at inilaan nang ipagkasundo sa isang mayamang lalaki. Ngunit nang umuwi siya mula sa Maynila, nakilala niya si Emir Balagtas, simpleng mangingisda at anak ng kanilang tauhan.
Sa kabila ng pagkakaiba ng kanilang buhay, umusbong ang pag-ibig nila. Itinatago nila ito dahil tutol ang kanyang Ina, na malupit sa mga mahihirap. Ngunit may lihim na mas malalim pa kaysa sa kanilang pagkakaiba, isang katotohanan na maaaring wakasan ang kanilang pag-iibigan.
Mapaglalabanan ba nila ang lahat ng balakid? O talagang hindi sila pwede para sa isa't isa?