markie38
ANG 5'7 NA MANLALARO
Paano kung ang pinakamalaking pangarap mo ay nakasalalay sa isang bagay na hindi mo kayang baguhin-ang iyong height?
Si Jairo Mendoza ay isang simpleng batang probinsyano na lumaki sa isang maliit na barangay, kung saan ang basketball court ay gawa sa lumang semento, ang ring ay kalawangin, at ang bola ay ilang beses nang tinahian.
Pero sa likod ng simpleng buhay niya ay isang pambihirang talento.
Sa taas na 5'7", hindi siya ang tipo ng manlalarong hinahanap ng mga basketball coach. Hindi siya matangkad. Hindi rin siya malaki ang katawan.
Pero may kakaiba sa kanya.
Mabilis ang kanyang mga paa.
Napakagaling niyang mag-dribble.
Kayang-kaya niyang tumira kahit saan sa court.
At higit sa lahat...
Napakataas niyang tumalon.
Isang simpleng batang probinsyano na kayang gumawa ng bagay na hindi inaasahan ng lahat-
ANG MAG-DUNK SA RING.
Para kay Jairo, sapat na ang talento para mangarap.
Ngunit nang dumating ang pagkakataong makapag-tryout siya sa isang malaking basketball academy sa lungsod, doon niya matutuklasan na hindi sapat ang galing.
Dahil sa mundo ng competitive basketball, hindi lahat ay naniniwala sa isang 5'7" na manlalaro.
May mga mang-iinsulto.
May mga magdududa.
May mga hahadlang.
At may mga taong gagawin ang lahat para mapatunayan na wala siyang lugar sa court.
Ngunit habang lumalaki ang laban, mas lalong lumalakas ang determinasyon ni Jairo.
Mula sa putikan ng probinsya...
Patungo sa pinakamalaking basketball court.
At sa bawat talon niya, isang tanong ang unti-unting sasagutin:
Gaano kataas kayang abutin ng isang taong ayaw sumuko?
Ito ang kwento ng isang batang maliit ang tangkad...
pero napakalaki ng pangarap.
Ito ang kwento ni Jairo Mendoza.
Ang 5'7 Na Manlalaro.