lyn-aac
O kay sarap umibig, tila ba'y isang panaginip,
Ngunit may katanungan ang isip, na nagpapasikip ng aking dibdib:
"Siya na nga ba? Ako'y nagkamali ata"
Puso'y nagtataka, isip ay natataranta.
Sa bawat tingin, kakaiba ang kahulugan nito sa'kin,
Mga haplos mo't yakap, na para bang huli na itong malalasap,
Puno ang isip ng pagdududa, pinipilit ang sarili na kumalma,
'Di malaman ang dahilan ba't ang puso ko'y naguguluhan.
Tila nasa isang pagsusulit ako, ang pag-ibig ang siyang sasagutin ko,
Ang bawat kilos at salita, dapat masagot ng tama,
Nais itago ang pag-aalinlangan, ngunit iba ang pinapakita ng aking nararamdaman,
Sa pagbabakasakaling maliwanagan ang isip, mga tanong ko'y kumawala na sa inip.
Sa paghahanap ng kasagutan, ang katotohanan ang aking natagpuan,
Walang sikretong hindi nabubunyag, ang kanilang sabi,
Sa huli, lilitaw at sisikat din ang katotohanan,
Hindi man ngayon, ngunit nasa huli ang pagsisisi.
Ang kaba ba'y mapapalitan pa ng sigla?
Mga katanungan ba'y magbibigay ng pag-asa?
Nanaisin mo bang ganito simulan ang iyong bawat umaga?
AKO SI EMILY, AT ITO ANG AKING STORY.