whooidz
Unti-Unting Paghilom: Mga Tula at Sanaysay ng Pagmamahal sa Sarili ay koleksyon ng mga tula at sanaysay na isinulat mula sa mga sugat na hindi agad naghilom, mga gabing tahimik pero mabigat, at mga araw na akala ko hindi ko na malalampasan.
Lahat ng mababasa mo rito ay may bahid ng tunay kong karanasan-mga pag-alis, pagkabigo, pagkawala, pagod, at mga pagkakataong kinailangan kong piliin ang sarili ko kahit wala nang ibang gumawa noon.
Hindi ito kuwento ng isang taong hindi nasaktan. Ito ay kuwento ng isang taong natutong mabuhay kahit may mga bigat pa rin.
Kung minsan, hindi sapat ang isang quote para ilarawan ang nararamdaman natin. Kaya isinulat ko ang mga ito para sa mga taong naghahanap ng mga salitang hindi nila masabi, para sa mga pusong tahimik na umiiyak, at para sa mga unti-unti ring bumabangon.
Hindi ito gabay kung paano ka magiging okay. Isa lamang itong paalala na normal ang masaktan, normal ang mapagod, at higit sa lahat, normal ang maghilom sa sarili mong oras.
Sana, sa bawat pahina, maramdaman mong may isang taong nakakaintindi sa pinagdadaanan mo. At kung sakaling wala pang nagsasabi sa'yo ngayon-
Kamahal-mahal ka. Karapat-dapat kang piliin. At darating din ang araw na hindi na ganoon kasakit.
- Mula sa isang taong dumaan din sa parehong dilim at patuloy na natututong magmahal sa sarili, isang araw sa bawat pagkakataon.