vadengskayoo
Sa Hacienda De Salvador, kung saan unang naranasan at naramdaman ni Florence Benitez ang lahat. Unang beses na masilayan ang mundo, unang beses na makatayo at unang beses na magkaroon ng kaibigan na halos hindi na sa kaniya lumalayo.
Si Maxine Salvador
Ang kaniyang kaibigan na nag iisang unica hija ng Hacienderong nag mamay ari kung saan nagtratrabaho ang Pamilya Benitez.
Sa pagkakalayo ng kanilang estado sa buhay.
Sa pagkakaiba nila sa maraming bagay.
Ano nga ba ang nararapat?
Ano na lang ang mangyayari kung ang unang liham ni Florence para kay Maxine ay ang mismong ama nito ang nakakita?
Sa pagdaan ng maraming taon
Sa paglipas ng panahon
Kung ang unang liham ni Florence ang siyang naging ugat sa lahat ng nangyari na hindi dapat nangyari.
Nararapat na nga lang bang tanggapin at tapusin na lamang sa Huling Liham ang lahat?