Jinnylines
"After so many years of searching, na hanap din kita" bulong ni Ian habang papalapit sa kanya. "Sir Ian, may sinasabi ka?" tanong ni Tintin. "Tin, saan ka bang lupalop nagtago. Bigla ka nalang nawala. Hinanap naman kita, pero ang dami palang Tin sa Pilipinas. I've searched your face in the crowd, every crowd, literal sa buong Pilipinas, pati sa labas ng bansa. Then again, ikaw pala ang makakahanap sakin. I already gave up. Di na ko umasa, kasi ang tagal na, pero here you are, you found me without even looking."
Si Ian, member of a pop group na matagal hinanap ang isang babaeng nakilala nya lang sa tawag na Tin, na lagi nyang inaabangan sa subdivision nila 17 years ago, bumihag sa musmos nyang puso, para malaman lang na hindi na sya nito kilala. Na sya lang ang umasa at nag hanap, nag intay. Ano kayang mararamdaman nya sa mga malalaman tungkol kay Tin, tatanggapin nya pa kaya ito.