DarksidedScientist
Matagal na, noong nadiskubre ang mga Runes na siyang pinagsimulan ng mga usap-usapan sa mga kakayahan nito. Ang mga Futhark Runes ay iba-ibang uri ng simbolo na may mga ibig-kahulugan o sabihin. Mga simbolo sa panahon ng mga Vikings. May mga nagkainteres at inukit nga nila ito sa mga bato, para daw pangpasuwerte. May mga nagsasabing ang Rune ay mga simbolo lang.
Ngunit ang mga Rune ay naging makapangyarigang kasangkapan. May isang Mage na nagmula sa ibang bansa na nagtungo sa Pilipinas na may dalang 24 Cards. This aren't just Cards, but Runic Cards. Mga Cards na may tatak na mga simbolo ng Runes. Dalawampu't-apat na magkaka-ibang Runic Cards na sinasabing may kapangyarihan o epekto sa hahawak nito. Sinasabing hindi lahat ng tao'y may kakayahang makagamit ng Runes, hindi ito basta-basta na magagamit. Ang mga taong may potensiyal na humawak ng mga Runic Cards ay yung mga taong gumagana sa kanila ang kahit isang Runic Card. Kung gumagana ang isa, gumagana din ang lahat. Runer ang tawag sa may mga potensiyal na humawak sa mga Runic Cards, Runers naman kung marami.
Kaya pumunta ang Mage sa Pilipinas ay dahil gusto niyang may bumili dito na worth 10 Million. No one like his offer, dahil hindi niya maipakita ang mga kapangyarihan ng mga ito at napakalaki ang 10 Million.
Until one day, pumunta siya sa Matatas City sa Pilipinas at ipinamigay na lang ang mga ito. Lumisan na din siya sa Pilipinas at bumalik sa kaniyang bansa.
Ang mga nakakakuha ay ang Pamilya ng Geschenk, Korikyndinos, at sa iba pang mga tao. Ngunit may sinasabing mayamang sindikato na hunter ng may hawak ng mga Runes at Runer para bumuo ng isang Terorist army na siyang sasakop sa buong Pilipinas.
Lumipas ang ilang taon, ang Pamiliyang Facemfuego ay nalooban ng 'di makilalang mga Terorista daw na pumatay kay Mr. Facemfuego at Mrs. Facemfuego. Nakatakas ang 9 years old na anak nilang lalaki na si Thoro na pinaghawak nila ng Runic Card.
Chops: Ongoing
Start: April 13, 2020
End: ~~~