Guardian_Ley
Sa unang araw ng kanilang senior high school journey, si Kadriana at ang kanyang kaklase ay mabilis na nagkagaanan ng loob at nagka-developan ng damdamin. Hindi nagtagal, pumasok sila sa isang relasyon-mabilis na bumuo ng matamis na alaala, ngunit kasing bilis ding nagwakas. Hindi nila alam kung bakit tila pareho silang sumuko, at ang dahilan ay nanatiling palaisipan sa kanilang dalawa.
Ngayon, magkasama pa rin sila hanggang Grade 12, nakatali sa isang relasyon na hindi maipaliwanag-sa pagitan ng pagiging magkaibigan at magkasintahan. Sa bawat araw na magkasama sila, lalo lang naguguluhan si Kadriana: mahal pa ba niya ito? O kaya bang balikan ang isang bagay na tila nawala na?
"Between Us, Uncertain" ay isang kwento ng pagkalito at pag-ibig, ng mga damdaming hindi matiyak, at ng mga alaalang hindi madaling kalimutan.