TheC0mm0ner

"Kung kayo ngang dalawa, kayo talaga. 
          	Iligaw kaman ng panahon sa ibat ibang direksyon, o kahit na humaba man ang sandali, umalis ka man nang may pighati,
          	.
          	.
          	.
          	.
          	.
          	.
          	.
          	.
          	.
          	sa kanya ka parin uuwi,

TheC0mm0ner

Alam mo ba?
          "Mahilig akong mag tanim at mag alaga ng ibat-ibang halaman. Dati, nasubukan ko na ring magtanim ng puno para suportahan ang kalikasan, pero alam mo, sa lahat ng nasubukan kong itanim isa lang ang di ko nagustuhan. Ang mag tanim ng Galit; kung kaya ang ginawa ko hinayaan ko itong malanta, at binunot ko na agad ang mga ugat nito bago pa tumubo at mamunga ng 'poot at hinanakit'.
          Noong bata ako, nasubukan ko ding mag ampon ng mga kuting na napupulot ko sa daan, ilang bwan lang ang lumipas mabilis silang dumami't nanganak. Magulo sila sa bahay, kaya pinamigay ko din agad sa kapit bahay. Pero alam mo ba?, sa dami ng naalagaan ko noon isang bagay ang di ko nagustuhan, ang mag alaga ng 'poot at hinanakit' kung kaya habang maaga pa pinapalayas ko na sila bago pa manganak ng pag hihiganti."

TheC0mm0ner

"Mahilig akong mag tanim at mag alaga ng ibat-ibang halaman. Dati, nag tanim na din ako ng puno para suportahan ang kalikasan. Pero sa lahat ng nasubukan kong itanim isa lang ang di ko nagustuhan, alam mo kung ano? Ang mag tanim ng galit, kaya hinayaan ko itong malanta at binunot ko na din ang mga ugat nito bago pa tumubo at mamunga ng poot at hinanakit. Alam mo, mahilig din ako sa hayop, Pero hindi sa asal hayop. Dati nag ampon ako ng mga kuting at nag alaga na din ako ng mga aso. Pero alam mo ba ang pinaka ayaw ko sa lahat? Ang mag alaga at magpatira ng poot at hinanakit dito sa puso ko; ayaw na ayaw ko silang pag samahing dalawa, kung kaya naman hanggat maaga pa pinapalayas ko na sila bago pa manganak ng paghihiganti."-Ian

TheC0mm0ner

"Pinaka ayaw ko sa lahat yung mag alaga at magpatira ng , poot at hinanakit dito sa puso ko. Ayaw na ayaw ko silang pag samahin, Kung kaya naman hanggat maaga pa pinapalayas ko na sila bago pa manganak ng paghihiganti."
          
          -Ian Laurio Labido