-1

6 1 0
                                    


Chapter 1 : Magsama kayo.

"Ano daw sabi?". Tanong ng pinsan kong si Einar.

I sighed. "Mababa ang grades ko ngayon 89 ako sa Math." Napabuntong hininga ako.

Hindi ko alam kung saan ako kukuha ng pang-babayad ko sa tuition fee ko dahil hindi naman kami mayaman para makapagbayad ng ilang daang libo para sa bayarin sa mamahalin na school na ito. Kami ng pinsan kong si Renaissance ay isang hampas lupang scholar lamang sa Oxford high. Kadalasan ay mga sikat na personalidad lamang ang kayang mag-aral tulad ng anak ng mga politiko, Artista at mga mayayaman pero sa University na ito bihhira lamang makapasok ang tulad naming iskolar. Kailangan ang kababaan mo sa report card ay 96 at hindi na bababa pa doon.
Kaya mas lalo akong nawawalan ng pag-asa dahil ako pa naman ang isa sa candidate para sa mga Summa Cum Laude kagaya ni Einar.

"Ano daw kailangang gawin? Naku! Yari ka nyan kay Tita Veah pag-bumagsak ka." Alalang sabi ng aking pinsan sa akin.

It's my fault. Wala akong ibang dapat sisihin kundi ang sarili ko dahil sa pang-iistalk kay Jeriel, na gustong gusto ko simula highschool ay napabayaan ko ang pag-aaral ko. Isang sikat na Chess player si Jeriel Travore Galvez dito sa Oxford, Anak sya ng isa sa pinaka-magaling na doctor sa Asia at mayaman din ang pamilya nya. Noong makita ko sya na lumalaban sa isang debate noon ay nagkagusto na kaagad ako at simula noon inistalk ko na sya.

I don't know kung kilala nya ako o hindi but i bet hindi nya ako kilala dahil kung kilala nya ako ay napansin nya na ako noon pa man. Hindi nga yata nya alam na nageexist ako sa mundo nya 'no? Pero sino ba naman kasing hindi ma-iinlove sa kanya. Hindi lang gwapo talented pa hindi lang mayaman Magna Cum Laude pa. At heto ako hulog na hulog at feeling ko lunod na ako dahil sa kanya. Mukha akong crazy fan girl na habol ng habol para sa wala. Alam ko naman na ang mga type nya ay kasing gaganda nina Emma Watson, Kasing Sexy ni Megan Fox at kasing talented ni Taylor Swift.
Halos nga sambahin sya ng mga Junior dito at laging pumupunta sa may Senior para lang makita sya at ang mga Pinsan nya.

"Vienna!," Tawag sa akin ng isa sa aking kaibigan na si Zairelia.

"Omg! Zai. Nakabalik ka na pala sa pilipinas hindi mo sinabi." Tuwang tuwa ako ng yakapin siya.

Matagal na din syang hindi umuwi sa pilipinas dahil sa ibang bansa na tumitira ang mga parents nya dahil sa business. Isa syang Verde kaya naman nasa Sweden sya para doon muna tumira.Madaming nagsasabi na kahawig ko daw sya pero hindi ako naniniwala dahil mas maganda sya at mayaman.

"Sorry, bigla kasing umuwi si Kuya Zarius kaya ayun sumama na din ako." Ani niya sa akin.

Pagkatapos ng pagkikita namin ay nagpunta kami sa isang malapit na milktea shop para mag-usap. Pagkapasok ko palang sa pinto ay tumunog ang wind chimes dahilan para maglingunan ang tao. Hindi ko inaasahan na nandito si Jeriel kasama nya si Narius, Jarred at Norman at nakaupo sila sa dulong bahagi ng shop. Sa likod ko naman ay biglang sumulpot si Precilla at nagtungo sa table kung nasaan ang mga pinsan nya. Humalik pa sya sa kanilang lahat bago umupo at nag-order din ng maiinom. Bahagya pa syang natigilan ng makita nya ako at sandaling tumitig sa akin bago ngumiti. Tumingin pa sya sa kanyang Kuya at makahulugan itong tinignan kaya nag-init ang aking pisngi.

"Hey. Anong flavor ang gusto mo?." Tanong sa akin ni Zairelia. Nasa counter na pala sya.

Nang pagkatingin ko sa counter ay nahagip ko bahagya ang malamig na titig ng isa sa mga Galvez. It's Northon.

"Wintermelon nalang at isang Blueberry cheese cake." Simple kong sabi at umupo sa malapit sa may bintana.

Para akong maiihi kanina sa titig ni Northon. Hindi ko alam na may mas masungit papala kay Jeriel. Kung soft ang features ni Jeriel at hindi halata na maaungit sya, Si Northon naman ay Hard ang features. Thick brows, Rose lips and Perfect Jaw. Moreno din sya hindi kagaya ni Jeriel na sumisigaw sa kaputian ang balat na malaporselana.

Chasing An Endless DreamWhere stories live. Discover now