O58

1.1K 42 60
                                    


"kung hindi ako sinabotahe nila mama nung 2nd night, edi sana kumpleto yung nine nights ko," jennie complained for the nth time around while we were on our way towards the church.

madami din kaming mga nakasabay mapabata man o matanda dahil nga huling gabi na din naman na. lisa and chaeyoung kept arguing about nonsense kaya as usual, dinaldal nalang nanaman ako ng ng dinaldal ni jennie.

"gusto kong bibingka," i said and pouted. inirapan agad ako ng bestfriend ko at sinabing mamaya nalang pagkatapos ng misa.

"oh, bakit?! sinabi ko bang ngayon, hindi naman!" i defended myself which made her frown again. nagbabangayan na din kaming dalawa gaya nila chaeyoung at lisa.

"eh kasi sabi mo-"

"jisoo," bigla akong napatigil nang may humawak sa braso ko. ni hindi ko namalayang papasok na kami sa gate ng simbahan.

"taehyung!" gulat kong untag at nilingon ang mga kaibigan na ngayon ay nakatingin lang sa amin.

"uh.."

"you're going with them?" alam kong simpleng tanong lang naman yun pero iba yung dating sa akin. hindi ko nga lang matignan yung mga mata niya dahil sa kaba.

bwisit kasi! sino ba yung taliah na yun?!

"oo eh-"

"oy, oy!" i stopped answering when i heard jimin's voice. sunod sunod silang lumitaw sa kung saan at pinalibutan na kami. halos nakaharang na kami sa ibang mga pumapasok kaya napagdesisyunan na nilang maglakad.

"tabi tabi na tayo!" jungkook suggested. magrereklamo na sana ako pero bigla namang um-oo agad sila jennie.

what the heck?!

"tara, tara!" at nagunahan pa silang maghanap ng upuan. i unconciously facepalmed before following them. mga bruhang to, kanina kung makapagsabi pa silang ilalayo nila ko kay taehyung, ngayon nagsipayag agad makasama sila namjoon!

"tabi tayo?" hindi pa ako nakakaget over sa kademonyohan ng mga kaibigan ko ay nagsalita na agad si taehyung mula sa likod ko. 

he held my hand and made me sat at the corner. gusto ko sanang dumikit kila lisa kaso ay nasa pinakadulo muli ako at tumabi na din siya sa akin.

eto nanaman tayo.

hawak nanaman niya yung kamay ko.

tapos hindi nanaman bibitawan.

"are you mad at me?" muli nyang tanong sa akin. "if yes, then i'm sorry. hindi ko matandaan kung anong nagawa kong mali but please do know that i'm really really sorry-"

"hindi ako galit, uy. pagod lang talaga ako kahapon."

napataas ito ng kilay at tinagilid pa ang ulo na parang ine-eksamina ako. "really? then why aren't you responding to my messages and answering my calls earlier? i was waiting for you since the first batch. akala ko ganoong oras ka nagsimba dahil hindi mo ko nirereplyan."

gulat akong napalingon muli. hinintay niya ko mula pa kaninang unang batch ng misa?

bakit?

dahil lang sa gusto niya akong kasabay?

"hoy, sabi ni taliah maduga ka daw, di mo siya sinama," biglang hinampas ni seokjin ang balikat ni taehyung kaya napaharap kami sakanya.

taliah..?

"di naman yun marunong magsimba," irap bigla ni taehyung at naramdaman ko ang higpit ng paghawak niya sakin.

"isusumbong kita sa ate mo ha!"

ate?

ATE?!

"ate?" i suddenly exclaimed which made them glance at me. tumango naman si seokjin sa akin at pinakita pa ang convo nila nung tinutukoy nilang taliah.

"step sister ni taehyung. mas matanda satin ng dalawang taon. pero bastos yang isang yan kaya di niya ina-ate. ay, kami din pala."

tinulak nalang ni taehyung si jin palayo at muli nang humarap sa akin. hindi parin ako gumagalaw mula sa pagsinghap ko kanina.

shet, kapatid niya yon?!

it took me seconds to realize how obvious i was. ngayon ay unti unti nang nangiti si taehyung at lumapit sa akin.

"now i get it.."

umiwas agad ako nung napansing medyo malapit siya. ang gago talaga, kapatid niya pala yon?! may pa-iyak iyak pa ko!

"you saw taliah's post and you thought she's my girlfriend?" natatawang tanong niya sa akin. "were you jealous?"

"di ah!" agad akong umiling iling. "bakit ako magseselos?!"

"hmm.."

tuluyan na siyang natawa pero agad ko ding pinatigil dahil magsisimula na yung misa. inayos niya naman ang sarili niya at kinindatan pa ako.

"want me to call you baby too?"

"landi neto," irap ko sakanya at tumayo na.

the whole mass was filled with happiness. iba siguro talaga kapag dama mo yung presence ni God. pag alam mong andyan siya kasama yung mga mahal mo sa buhay. he's there, right in front of us. watching.

mabilis kaming nakipagunahan sa maliit na tindahan na lagi naming kinakainan ng bibingka. hawak parin ni taehyung ang kamay ko habang nagtutulakan sila jimin sa likod namin.

"if jisoo gets hurt i'd plead jesus to visit you, park jimin," banta ni taehyung at hinawakan ng bahagya ang likod ko.

"huy, parang ano to!" pigil ko at hinila siya palayo. sa dulo ng maliit na tindahan ay ang isang sulok na mukhang pwedeng pagpicturan.

puno ng christmas lights at decorations ang side na to. pero dahil maliit lang ang tindahan, hindi siya gaanong pansin at nagsiupuan na din agad ang mga kaibigan namin para umorder.

i dragged taehyung there to.. finally confess my feelings. hindi ko na ata kaya pang itago, though he probably knows about it too. aba sino ba namang hindi makakahalata, eh lagi akong nandoon sa gym tuwing may training o laban sila?!

"taehyung-"

"i like you," he suddenly cut me off by holding my chin up to meet his gaze. "no, it's definitely more than like.. it's stronger than that."

natameme ako ng husto. God, gaano ba ako kablessed ngayon?!

"i practiced my speech so i wouldn't get rattle in front of you but seems like i forgot all of it. masyado akong nagpanic kagabi nung hindi mo ako pinapansin. i don't know if i sound too fast since we just met each other last 9 nights ago.."

"but i've been eyeing you since God knows when. mula palang nung una kang naupo sa gym. you're always holding your maltesers, talking with your friends.. answering school works.."

"jungkook and the rest told me that maybe you liked me that's why. but i didn't believed them though.. parang masyado kang mataas para magustuhan ako.."

"hoy, ano ka ba! kung makaasta ka naman parang ang ganda ganda ko!" natatawa kong putol at hinakawan ang mukha niya. "but.. yeah.. kim taehyung, i like you a lot. matagal na matagal na din. you're the reason why i always head towards the gym rather than dating boys. the reason why i prefer studying there instead of the library.. the reason why i'm.. in love.."

"i want to kiss you right now," his voice hoarsed a little because of whispering. tumingala ako sa taas at napansin ang munting halaman na nakasabit sa tuktok.

"look above us," i giggled.

he didn't even tried looking upward. he claimed my lips in a snap and even held my nape to kiss me better.

"jisoo," mahina nyang bulong matapos bumitaw sa halik. he was keeping our foreheads close kaya sobrang lapit namin sa isa't isa. "can i court you?"

that night, i got a kiss from my future boyfriend..

under the mistletoe.

under the mistletoe.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon