Prolouge

30 6 0
                                    

"Ama!Ina!" umiiyak na sigaw ng isang dalaga habang pilit na inaabot ang mga kamay ng kanyang mga magulang."I-ika'y lumisan na M-miandra anak!Iwan mo na k-kami ng iyong ama!"nanghihina ngunit pinipilit pa rin ng kaniyang ina na magsalita upang iligtas ng dalaga ang kaniyang sarili.

"N-ngunit---"hindi na magawang ituloy ng dalaga ang kaniyang katwiran sapagkat ito'y pinutol na ng kaniyang ama."A-anak pakinggan mo ang yong ina at ika'y lumisan na.Tahakin mo ang madilim na daan sa gitna ng gubat at ika'y may makikita na isang b-balon"nahihirapan ngunit pilit na magsalita pa rin ang ama ng dalaga .

Tututol pa lamang ang dalaga ngunit may narinig silang sigaw ng mga kawal ng humahabol sa kanila upang sila ay paslangin."Tumakbo ka na Miandra!"mahinang sigaw ng ama  sa kaniyang anak.

Labag man sa kalooban ng dalaga ay nilisan niya ang lugar at sinundan an direksyong itinuro ng kaniyang ama.Sa kaniyang pagtakbo ay nakarinig siya ng dalawang putok ng baril na nagmula sa lugar kung saan niya iniwan ang kaniyang mga magulang.

Pilit na tumakbo ang dalaga kahit pa may malaking sugat na ito sa binti dahil sa nagbagsakang parte ng kanilang tahanan nang ito ay bombahin ng mga kawal ng Gobernador-Heneral.

Makalipas lamang ang ilang sandali ay natanaw na ng dalaga ang balon na tinutukoy ng kaniyang ama.Napagpasyahan niya na lapitan ito ngunit sa kasabay ng kaniyang paglapit sa nasabing balon ay kasabay nito ang isang putok ng baril na tumama sa bandang likuran ng dalaga na naging dahilan ng kaniyang pagkahulog sa balon.

___________________________________

Disclaimer:

       This story is work of fiction,names,characters,places,events,business are used of fictitious,unless otherwiseis purely product of a author imaginations.Any resemblance to a person living or dead or actual events are purely COINCIDENTAL.

*Plagiarism is a crime!*

A love from 1893Where stories live. Discover now