Pantay-pantay Tayo Ngunit Mapanghusga Ang Taong Mundo
Sa mundong ito,
Pantay-pantay tayo.
Kahit mahirap at mayayaman ka man.
Ngunit pagdating sa pag-ibig, karamihan nagkakakagulo.Ang mga mayaman,
Dapat magmahal lang din mayaman.
Ang mga mahirap,
Dapat magmahal lang din ng mahirap.
Paano nalang ang mga taong walang-wala!
Magpapaubaya nalang ba kung ano ang nais ng madla?Pantay-pantay tayong ginawa,
Kaya sana pantay din kayo kung manghusga;
Sapagkat ginawa tayo ng Diyos para magkaisa.
Hindi para manghusga sa kapwa,
Dahil sa kami'y mga dukha.Sa kabila namang banda,
Mukha ang binabasihan nila.
Ang mga pangit ay 'di dapat magmahal ng maganda.
Dahil sila raw ay 'di kaaya-aya.
Eh! Saan nalang kami pupunta?
Kung lahat nalang ay mapanghusga,
Sa anong nakikita.Tayo'y mga pilipino!
May karapatang magmahal ng totoo.
Kahit kayo'y maganda't gwapo;
Kahit mayaman kaman o mahirap o kahit ano,
Pantay-pantay tayo!Pero~
Pero ito ang tandaan niyo;
Maganda nga kayo,
Mayaman nga kayo,
Ngunit kahit kailan 'di niyo mapapantayan,
Nang kahit anong yaman,
Ang aming puso na puro lang kabutihan ang laman.
Lagi niyo lang tandaan;
Na kahit gaano ka, kagwapo at kaganda,
Mga buting asal namin ay' di niyo kayang pantayan.════════════ ❃ ════════════
@GrayciousPynn
YOU ARE READING
Painful Words Of The Frolicsome Mind
RandomIn our life, we are all have differents straggle that we encounter.