Chapter 2

18 1 0
                                    

Nandito nako sa labas ng studio at late na naman papaano ba naman kasi sobrang traffic kahit sobrang aga pa. Papasok nako ng makita ko yung isang member na papasok palang din.

"Goodmorning miss Erine late tayong dalawa ah" Bati niya sakin sabay kamot sa ulo niya.

"Oo nga eh sobrang traffic kasi hindi pa nga ako kumakain ng breakfast kasi nagmamadali ako" mga  besh nagawa pa namin magdaldalan sa labas ng studio. Hahaha. Lupet diba?

"Wala pa naman ata si coach kasi wala pa yung car niya nung dumaan ako" nawala naman ang kaba ko dahil sa sinabi niya na tila'y nagpapa-lakpakan yung mga tenga ko.

"So kung ganon pwede bang order muna tayo sa mcdo gutom na gutom nako eh libre ko na HAHAHA" Ayoko kasing mag practice ng wala pang laman yung tiyan ko mabilis akong mawala sa mood kapag ganon. HAHAHA. Food is lifeeeee

"Ay bet ko yan! Sige sige bilisan nalang natin"

At binilisan na nga namin yung lakad dahil malapit ng mag 8:30 at hindi namin kasalanan kung late ang coach namin. Hahaha. Basta kami bibili ng foods.

Nandito na kami sa loob ng mcdo at may narinig akong mga babae na nagku-kwentuhan sa isang table mga lima silang babae.

"Ay bes may chika ako sayo"

"Ano yon?"

"Kilala mo ba yung sikat ng dancer dito sa pinas galing daw ng china yon eh ang usap-usapan pa eh dito na daw mag-iistay yon sa pilipinas para sa trabaho niya"

"E sino ba yung dancer na tinutukoy mo?"

Napakunot naman ako ng noo kasi sobrang tagal sabihin nung babae kung sino yung tinutukoy niya kahit may idea nako kung sino yung pinag-uusapan nila. Nakakairita ah nangangawit na mga tenga ko!

"Edi sino pa ba, Si Dj Loonyo"

"Ay di nga totoo ba? Edi good yon para naman makita na natin yung crush mo"

"Omyghad kapag talaga nakita ko yon ikikiss ko talaga siya"

Aba si ate gurl ang layo ng pangarap hanggang edsa asa naman siya na makikiss niya si baby ko este Dj Loonyo pala. Hehe

"Hoy erine!"

"Ay anak ka ng nanay mo!" Buset nagulat ako doon!

"Ano ba yang iniisip mo at kanina ka pa di mapinta pag-mumukha mo" Ay nakalimutan ko may kasama pala ako. Sorry naman po

"E papaano ba naman kasi....." Bigla akong napahinto hindi niya nga pala alam na crush ko si Dj Loonyo ayoko kasing sabihin baka mamaya sabihin niya sa ibang members tapos asarin lang ako

"Kasi ano?" Pasungit niyang tanong

"Ahhh wala order na tayo kanina pa tayo hinihintay ni ate hehe sorry po" Pagpapalusot ko.

"Ate sakin po 1pc chicken tapos may fries" order mg kasama ko sabi ko sa kanya order na siya kung anong gusto niya eh nahiya pa.

"Miss sakin po 2pcs chicken leg part and large fries tas coke float" sabay ngisi kay ate

"Ang takaw talaga tsk"

Buset nato epal talaga kahit kailan!

I Love You! Dj LoonyoWhere stories live. Discover now