Chapter 4 (1 of 2)

13.6K 499 31
                                    

"Gonna get Ningning today, Momma, gonna get Ningning today?" Malawak ang ngiti ng anak habang nakayakap ang chubby nitong mga braso sa kanyang leeg.

She loved her baby in her pink day care uniform. Naka-French braid din ang kulot nitong buhok at mayroong pink na panali.

Ngumiti siya sa bata at hinagkan ang mabibilog nitong mga pisngi. "Yes, baby. You and Nanay Elma will pick Ningning up today."

Tumili sa tuwa ang paslit at pinugpog siya ng halik sa mukha. Tumawa rin siya at hinigpitan ang yakap dito.

"Anaya, 'lika na," tawag dito ni Nanay Elma. Dala nito ang pink glittery backpack ng anak. "Alis na tayo."

"Later, Momma! Love you, love you!"

"Love you, too, baby, take care."

Tumahol-tahol si Bamboo sa kanilang paanan. Sumama ang aso sa paghatid niya kina Anaya at Nanay Elma sa labas ng bahay hanggang sa makasakay ang mga ito sa SUV. Pinanood niya ang sasakyan habang binabagtas ang driveway palabas ng gate.

She checked her watch. Nine thirty. Alas diez ang pasok ng anak sa day care at alas diez din ang simula niya sa opisina sa resort. Nagsisimula talaga siya ng trabaho ng alas siete. She did it in her home office so she could stay at home and have breakfast with Anaya and help her baby get ready for school.

Hinawakan niya ang ulo ng German Shepperd. "Time for me to go to work, buddy."

Tumahol-tahol ulit ang aso at kiniskis ang mukha sa kanyang balakang. Tumawa siya at masuyong itinulak ito.

"Don't cover me with dog hair, Bamboo."

Pinagpagan niya ang gilid ng suot na DVF wrap dress. 'Yun ang 'uniform' niya kadalasan. The style was comfy, classic and feminine. Tamang-tama sa pagharap sa mga bisita ng resorts at paghabol sa makulit niyang anak at mga alaga nito.

Ikat print 'yon at kulay navy blue, black at white nang araw na 'yon. Tinernuhan niya ang bestida ng brown leather ankle boots, her trusted hand me down Louis Vuitton handbag from her mother, her usual diamond stud earrings and her dainty rose gold Tiffany watch.

She left the house and started walking to the resort office. Nasa loob ng resort ang bahay nila sa tuktok ng isang maliit na burol, habang nasa bandang harapan ang resort office. Mas gusto niyang maglakad doon kaysa sumabay sa anak palabas ng gate. She rarely had time to work out due to her schedule, so she used that short morning walk as part of her exercise.

"Good morning, Ma'am Vera," bati ni Ate Fina habang nagwawalis ito sa may flagstone walkway. Napapaligiran 'yon ng mga mayayabong na halaman at makukulay na bulaklak. Nakasuot ang babae ng green scrubs na may logo ng resort.

"Morning, Ate Fina."

The resort office was a rustic two-story cottage made of glass and wood. May wrap around porch ito na napapaligiran din ng mga puno at namumulaklak na mga halaman.

Inakyat niya ang maikling kahoy na hagdan ng porch at dumerecho sa maluwag na lobby. Nginitian niya ang mga turistang nakaupo sa mga rattan couches. Halos salamin ang harap ng office, at pinapapasok noon ang pang-umagang araw, pinatitingkad ang makintab at mamula-mulang limestone na sahig. Binati rin siya ng mga nakasalubong na staff sa reception area.

Pumasok siya sa hallway papunta sa kanyang opisina. Sa kanan noon ay ang kitchen, breakroom at ang storage area. Sa ikalawang palapag ang mga silid para sa mga stay-in staff.

Nasa table na nito sa labas ng kanyang opisina ang assistant niyang si Paula. Her assistant was chic in her camel slacks, flowy shell pink blouse and nude peep toe pumps.

All That I AmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon