Chapter 2: So Justin's back...

67 1 0
                                    

"Ailing!!!!" Isa lang tumatawag sakin nyan. Ang lakas ng boses niya nakakainis. -_- Asa school na nga pala ko, at since wala pang teacher nakinig muna ako ng music sa ipad. So partida, naka earphones na ko, pero rinig na rinig ko parin yung boses niya. Pero di ako pwede mainis. Kasi mahal ko yan. Yang taong yan? Yan yung kahit na ilang beses niya sabihing suko na siya sakin? Ayan. Sya at sya parin bumabalik. Gaya ngayon may kasalanan ako sa kanya. But ayan siya hyper na naman. Happy-go-lucky yang babaeng yan eh. -_- Ni hindi ko alam pano kami nagkasundo. Eunice is my total opposite.

Niyakap ko siya dahil nakonsensya naman ako na eto siya ngayon kahit na tinulak at binuhusan ko siya ng alak.

"Sorry na Euning. I'm sorry talaga" Oo, Euning tawag ko sa kanya. Suggestion niya yan btw :/

"Ayos lang yun. Para saan pa pagiging bestfriends natin, diba? Ako lang naman nakakahandle sayo. Sadyang may period lang ako nun kaya nilayasan kita. But wala na yun!!!!! Bakit di ka pumasok kahapon?!" Ang hyper niya talaga. -_-

"Si yaya Sol e. Late akong ginising. Nakakainis nga eh, diba may quiz tayo sa Physics?"

"Yep. Pero wala yun! Sisiw lang yun sayo. Ikaw pa ba? Bestfriend ko ata yan!!" San niya ba nakukuha yung ganung amount ng energy? Grabe.

Nagkwento lang siya ng nagkwento. At nanahimik lang siya nang pumasok na ang terror na si Mrs. Capistrano.

"Arrange your seats!" Lahat naman sila mabilis na nagsikilos. Transformers ba. Pero ako, nakikinig parin ng music.

"Ms. Alcantara, didn't you hear me?" I rolled my eyes at inayos na lang ang upuan ko.

Oh teka, bakit may upuan dito sa right side ko? Ang alam ko kasi, ako yung nasa dulo ng row namin.

"I want you to know. Na may nagbabalik after two years from US. Para sa mga hindi pa siya kilala, I want you to meet Justin dela Fuente. Ang tagapagmana ng isa sa mga malalaki at kilalang kompanya sa bansa, ang Le Vonne." Wth. Bakit sa section pa namin?! Alam kong hindi yun coincidence. Malakas kapit nyang lalaking yan dito sa Kentfield at di na ko magtataka kung kahit anong piliin niyang section eh dun siya ipapasok. Nakakainis.

Narinig ko namang nagbubulungan yung mga girls at halatang kinikilig. Leche. Nakakainis talaga yung mga ganyang babae. -_- ang lalandi anak ng.

"Omg. Diba model din siya ng bench dito sa philippines dati? Oh gooood ang hot nya padin!!"

"Ughhhh i am so drooling right now"

Mga dep*ta kayo -_-

Lahat naman ng estudyante dito magaganda't gwapo. Karamihan nga kasi anak mayaman. Tapos karamihan din mga model. Product endorser ganun. Ako, ilang beses as in di na mabilang na beses na kong inalok maging model. But modeling is just not my thing. Isa pa, baka puro fierce look ang ibigay ko sa kanila. You know me. Hm gaya nga ng sabi ko, lahat good looking. Pero sadyang may mas angat padin kaya ayan. Yang mga babaeng anak ng business men, mayayayaman man at may itsura, akala mo eh first time makakita ng lalaki. Kaasar talaga.


At teka.... bakit sa tabi ko siya uupo?! Eh wala naman sinabi si Mrs. Capistrano na dito ang seat nya ah?! Damn. Planado. Iniinis talaga ako nito! -_-

"What do you think are you doing here?" I said then glared at him.

"Uhm this is a school, so basically... I'm here to study?"

"I mean what are you doing beside me you idiot!" Meron pa naman kasing mga vacant seats. Sa kabilang side, sa likod. Ang dami dami pa. Bakit ba sa tabi ko pa?!

Till We Met (taglish)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon