Chapter 37: Muntik na makunan?

3.3K 97 21
                                    

Tinawagan ako ni steph at magkita kami sa likod ng bahay para iabot ung ibang gamit nya.

"Mas mabuti na doon ka muna sa probinsya ninyo Cassie. You know naman na bumalik na Si bianca at ayoko na malaman nya ang tungkol sa ano ang meron sa atin." may himig sa boses nya na ayaw nyang gawin pero walang choice kase desisyon nya iyon. Bumalik na ang taong mahal nya. Tumango nalang ako bilang sagot at nagpaalam na ito para umalis. Pinagmasdan ko lang syang sumakay ng kotse hanggang sa mawala sya sa paningin ko. Pumasok na ako sa loob ng mansyon at nag umpisa na rin akong mag ayos ng gamit ko para sa pag alis ko bukas. Naiintindihan ko naman kung ano ba talaga ung purpose ko dito wala naman din akong magagawa.

Nilagay ko na ang mga damit ko sa maleta at pumunta akong nursery para magsulat ulit doon sa diary ng baby.

Alam mo baby kahit ganun ang mama mo, mahal ka parin nya she's take care of you kahit na may ugali sya na hindi maganda. Kumapit ka lang muna at bukas doon muna tayo kila lola sa probinsya. I love you baby Nath.

Nilagyan ko ng date at binalik na ulit doon sa tabi ng mga gamit ng baby.

Kinabukasan ay hindi na ako nagpaalam kila grandma na uuwi ako ng ketaket island para doon muna ako. Nakalabas na ako ng mansyon at nilakad ko hanggand makalabas ako ng sib division. Nakaramdam ako ng pagkirot sa may tyan ko. Kaya medyo napaaray ako. Napakapit tuloy ako sa tyan ko.

Kumapit ka muna baby...Nagsimula ulit akong maglakad at dumaan sa orphanage para dalawin ang mga bata muna bago ako umuwi sa amin. Nakita ko si Dian na nakikipag laro sa mga bata.

"tita cassandra! " narinig ko na sigaw ng mga bata sa akin.  Kumaway ang mga ito at pinapasok na sila ni Dian sa loob.

"napadaan ka dito.."tanong nya s akin.  Napatingin naman sya sa mga dala ko at bitbit kong maleta na nasa likuran ko. Nagtaka naman sya.

"si stephanie ba ang may gawa nyan? Gusto ka nyang pauwiin sa isla? " seryoso na tanong nito alam ko na concern sya sa akin kase kaibigan ko din sya. 

"Hindi.  Ako ang may gusto nito kase bumalik na si Bianca at sila ang magkasama.  Kaya pls yaan mo na..." Pero hindi sya nagpapigil at pasakay na sana sya ng kotse ng bigla akong makadama ng pag kirot sa akin tyan.
"a-ah. Ang sakit ng tyan ko..." natigilan sya kaya agad nya akong binuhat at sinakay sa kotse para dalhin sa ospital dahil nawalan ako ng malay.

Dian's POV

Masaya ako na nakikipaglaro sa mga bata sa ampunan pinapasok na sila ng nakita ko si cassie na papasok ito. Agad ko namang napansin ang mga dala nyang maleta at pati ilang gamit na bitbit nya. Sa tingin ko kagagawan na naman ito ng asawa nyang hinayupak. Tsk.

"kung ka nya kayang pahalagahan ng asawa mo, hindi pwede na basta ka nalang nyang ganyanin dahil asawa ka nya! " hindi ako nakapag pigil at papasok na sana ako ng kotse ng marinig ko ang daing ni Cassie. Natigilan ako ng bigla syang mawalan ng malay kaya binuhat ko agad sya at sinakay sa kotse.

Pagdating namin sa ospital ay agad na dinala sya sa emergency room at tinignan ng doctor. agad ko naman na tinawagan si grandma at sinabi sa kanya kung ano nangyari kay Cassie.

Pagkaraan ng ilang minuto ay nakarating si grandma at ang mama ni daryll.

"Dian,  anong nangyari kay Cassie? Ok na ba sya? "nag aalalang tanong ni grandma.

"hindi pa lumalabas amg doctor. Alam nyo po ba na gusto syang pauwiin ng magaling ninyong apo? Dahil sa kanya muntik na syang makunan..." may inis sa aking tinig habang sinasabi ko iyon.  Nag iba din ang expression ng mujha ni grandma sa narinig at tumingin kami sa secretary.

"Nasaan si Steph?  Sagutin mo kami kung nasaan ang magaling kong apo! " nasindak naman ito at hindi alam ang gagawin.

"ahh eh... Hindi ko po alam chairman...kung nasaan si director..." hindi naman ito mapakali sa isnag tabi.

"tawagan mo sya.  Ito gamitin mo..."binigay ni grandma ang phone nya pero naiinis na tumingin ito kay hana.

"Ahh...ehh kasama po director si ms Bianca..." lumabas na ang doctor at agad sila nalumapit dito.

"ok na ang pasyente pwede nyo na sya puntahan. " sabi ng doctor.

Grandma's POV

Matapos kong marinig ang balita mula kay Dian sa telepono ay agad na dumretso kami sa Hospital kung nasaan naka confine si Cassie.  Pag may nangyari talaga sa apo ko malilintikan talaga sa akin ang apo grrr...

Pagkarating namin sa hospital ay agad na sinalubong kami ni Dian na nag aantay sa paglabas ng doctor. At nakita ko na wala ang hinayupak kong apo at saan na naman sya nagpunta.

"kumusta na sya? " may pag alala sa tono ng boses ko.

" Hindi pa lumalabas ang doctor po grandma" sagot sa akin ni Dian kung wala si Dian baka tukuyan ng nakunan si Cassie.

"Alam nyo po ba na muntik ng makunan si Cassie sa kagagawan ng apo nyo?  Gusto nyang pauwiin si cassie sa isla..." nag tiim bagang ako sa narinig at tumingin ako sa secretary nya.

" nasaan si steph? Sabihin mo sa amin kung nasaan sya! "hindi naman ito mapakali dahil nagkanda utal utal sya.  Masindak ka dahil pag uumpogin ko kau ng apo kong walang hiya.

"Si director... Kasama nya po. Ms Bianca" agad naman na bumukas ang E. r at lumabas ang doctor. Sinabi na pwede na naming puntahan ang pasyente.  Ako na lamang ang naiwan na pumasok sa loob gusto ko na makausap ng masinsinan si Cassie pagka gising nya.


One Night Stand With A Stranger  -Intersex -R-13 (COMPLETED) -Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon