Chapter 7.3

208 12 3
                                    

Aryana's POV

"A!!"

Bumungad sa'kin ng Patrick na iritado.

"Oh bakit?"

Imbes na sagutin nya ako, tinulak nya ng bahagya ang pinto upang makadaan sya at tuluy-tuloy na pumasok.

Sinarado ko ang pinto at sumunod na sa kanya. Ganyan naman silang lahat, feel at home lang dito sa unit ko. Letse!

"Alis na ko, A." nakatayong sabi ni Baron.

"Mabuti pa nga." mahinang sabi ni Patrick pero sapat upang marinig ko at ni Baron. Pinandilatan ko lang sya ng mata, walang hiya! Gusto nya ba ako papunasin ng sahig na puno ng dugo?

"Sige, Baron. Thank you sa pagpunta at pasensya kung pinag-alala kita."

"Wala 'yun sa'kin. Sige, I have to go." sabi nya at kiss me on my cheek. Natula ako ng mga ilang segundo bago naka-recover sa ginawa nya. Hinatid ko sya hanggang bukana ng pinto.

"Later, I'll call you." he said and walk away.

Buti na lang talaga mahaba ang patience ni Baron kundi, magiging director ako ng wala sa oras para sa action na pelikula.

"Hoy, ikaw na feel at home! Umalis ka na nga! Ba't ka ba nandito?" sigaw ko sa lalaking prenteng nakaupo sa sofa. Tingnan mo, nakataas pa ang paa. Di na nahiya.

"Ganyan mo ba ko papasalamatan?"

"Anong pasasalamatan 'yang sinasabi mo?" sarcastiko kong tanong.

"Niligtas kita sa manyak na 'yun!" sigaw nyang sagot.

What? Manyak?

"Sino? Si Baron?" gusto kong matawa, nagjojoke yata sya. "Wag ka ngang magpatawa, manyak your face!"

"Totoo naman ah, kung di pa ko kumatok at nagsisisigaw sa labas di ka na virgin!"

"Watch your words, Patrick! Makapagsabi ka ng manyak eh ikaw yun eh! Pinagnanasaan mo nga 'yung Kaila Rue na 'yun!"

"Pinagnanasaan? Common, may fiancee na 'yung tao. Nagagandahan lang ako sa kanya, di ko sya pinagnasaan ever." deffensive nyang sabi.

Fiancee? May fiancee na 'yung babaitang 'yun? Pero kung makalandi, akala mo single na ready to mingle to everyone.

"Umalis ka na nga!" pagtataboy ko sa kanya. Tumayo sya at nakasimangot na nagtungo sa pintuan. "I-lock mo ha? Bye!"

Narinig ko ang pagsarado nito kaya nakahinga ako ng maluwag. Nakakapagod ang araw na ito, di na kaya ng utak ko. Konting konti na lang ay sasabog na.

Di ko namalayan na nakaidlip ako, napatingin ako sa orasan sa taas ng hanging flatscreen tv.

"Seriously, 3 hours?"

Idlip?

Nakaramdam ako ng uhaw, bumangon ako sa couch na nahigaan ko at dumiretso sa mini refrigirator.

"Wala na pala akong stock ng Mogu Mogu." sabi ko sa sarili ko.

Nagtungo ako sa kwarto upang kumuha ng jacket at lumabas na.

Mabilis akong nakababa sa basement dahil walang masyadong gumamit ng elevator. Pinatunog at pinailaw ko ang sasakyan ko bago ko ito tuluyang binuksan at sumakay.

Wala pang sampung minuto narating ko ang isa sa pinakamalapit na grocery store sa unit ko.

Kumuha ako ng push cart at nagsimulang mamili ng mga pagkain na kailangan kong iimbak sa ref at ang dadalin kong snacks sa outing namin.

GGSS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon