Prologue

69 3 0
                                    

"Oh My G ! pano ba ko napunta sa ganitong sitwasyon ?" Sabi ko sa sarili ko habang humahangos palabas ng school.

At tsaka sino ba tong gwapo , matangkad , maputi well maputla siya hindi maputi at ? uhh ? osige na ! masarap ! , tong masarap na lalaking to ? at tsaka anong ginagawa niya sa forbidden room ng school ? janitor ba siya ? pero imposible ang gwapo eh.

Lumingon yung lalaking masarap sa direksyon ko.

"bakit ? masyado ba kong attractive para sayo ?" sabi ko habang humahangos pa din palabas ng school.

Pano ba naman kasi may humahabol samin ! dalawang malalaking aso !

Shit ! posible ba to ? ang laki nila hindi na normal para sa isang aso ?

Nagsalita na din sa wakas yung lalaking masarap at sana hindi na lang niya ginawa.

"hindi , pwede stop thinking my head's starting to ache because of your unstoppable thinking" sabi niya , wow ! spokening dollar ang loko ! aba aba ! at teka ? thinking ? ibig sabihin naririnig niya yung mga iniisip ko ? ibig sab-"at isa pa hindi ako masarap" pagpapatuloy nito at tsaka ngumisi.

Nakaramdam ako ng init na unti - unting umaakyat sa mukha ko at gusto ko na lang huminto sa pagtakbo at magpakain sa mga jumbo asong humahabol samin , pero bago pa ko tuluyang bumagal at huminto bigla kong naramdaman na parang may malamig na bumalot sakin at tila ba parang inangat ako.

Sa sobrang pagtataka inangat ko ang ulo at nakita kong buhat - buhat na pala ko ni poging masarap.

Ugh ! stop-et ! stop-et !

"a-anong g-ginagawa mo ?" nagaalangan kong tanong sa kanya.

Nangiti ang gago.

"ahh ? baka binubuhat ka ?" sabi niya , aba talagang ! nagawa pang mamilosopo !

"alam ko ! alam ko !" pagalit kong sabi , pero in-fairness kahit pawisan na ang bango padin parang ayoko ng pumiglas sa pagakaka bit bit niya saken.

Ang landii ! sabi ko sa isip ko , habang parang loka - lokang nakangiti.

Ay day ! hindi ko kinakaya to ! jusko help me !

"will you please stop thinking ? you're so irritating !" pagalit nitong sabi , aba ! aba ! siya tong may kasalanan kung bakit kami hinahabol nitong mga jumbo aso nato ! tapos siya pa magagalit ! at isa pa ! isip ko to bakit ba niya ko pinapakielaman !

"ano bang pakielam mo ? at tsaka ikaw na nga lang ang nakiki-kinig eh ikaw pa tong rekla-" hindi ko na natapos yung pagsisermon ko dahil tinakpan nitong lalaking to yung bunganga kong maliit at may labing pagkapula - pula ! oha ! detalyado ! kokontra kokontra ? next !

Nagpupumiglas ako sa pagakakatakip niya sa bibig ko pero lalo pa niyang diniinan at nuon ko lang napansin na huminto na kami at mukhang nasa maliit na iskinita kami , teka ? anong ginagawa naming ditto ?

"malamang nagtatago kaya wag kang maingay kung ayaw mong maging hapunan ng mga jumbo asong yun" pabulong nitong sabi , tumingin ako sa kalsada kung saan nandun yung dalawang jumbo asong humahabol samin nitong si ano ? teka hindi ko pa pala alam pangalan nitong gwapong masarap nato.

Binaling ko ulit ang ulo ko sa direksyon niya pero hindi ko inaasahang sa paglingon ko eh napakalapit pala ng mukha niya sakin yung mga mukha naming halos magkadikit na ang sikip na man kasi ditto sa eskinita pero hindi yun yung issue ditto ang issue ditto eh yung mga mukha naming halos magkadikit na , ung ilong niyang napakatangos at yung ilong kong medjo matangos na medjo pango nagkikiskisan na , yung mga labi niyang sing pula ng lipstick ng nanay ko , jusko ko po patawarin niyo ko sa mga kasanalang nagawa ko at gagawin ko palang ipaubaya niyo na sakin tong lalaking to sige na ,, please pretty please ?

Blood - LadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon