"Joy's POV"
Lunes na, hanggang ngayon di ko pa rin makalimutan ang sinabi ni Elle sa akin.
Flashback
"Uyyy paano ako nakarating dito? natutulog ako kanina sa kotse mo ha? bakit nakatungtong ako sayo at ..."
'Tumahimik ka na lang, yan na magcountdown tayo."
10
9
8
7
6
5
4
3
2
1
At lumubog na ang araw.
"Ang ganda talaga ng sunset noh?".sabi ko
"Oo nga kasing ganda mo kaya nga mahal kita eh."
My heart skip a beat at natulala,namula yata ako sa sinabi niya pero baka nagkamali lang ako ng rinig at wag ka ngang assuming Joy baka joke lang yan.
"Ha?"
Yun lang ang lumabas sa mga bibig ko bigla na lang siyang tumawa.
"hahaha..wala alam mo na yun kunyari ka pa hindi narinig."
"E....e..wan ko sayo! halika na nga umuwi na tayo."
~end of flashback~
Hay ewan baka mahalin ko na siya sa sinasabi niya hmmm.mali mali joy tama na nakakastress lang yan.
"Goodmorning BFF!!parang ang lalim yata ng iniisip mo ha?"
"W..wala."
"BFF musta naman praktis niyo nag enjoy ka ba sa crushie mo..?" na nakatingin ng nakakaloko.
"Ha?pati ba naman ikaw pagsasabihan mo ako nun.!kainis naman."
'DEFENSIVE?"
"NO WAY!"
"WEH DI NGA?"
"BFF naman eh!"
"Sige na nga pero napag isip-isip ko bagay kayo.gwapo naman siya,matalino,hahabulin ng mga babae kaya sa tingin ko parang may pagtingin si Elle sayo hindi naman siya ganun sa ibang tao pero sa nakikita ko parang something talaga eh."
"Anong something something ang sinasabi mo dyan siguro namamansin lang yun para painitin yung ulo ko kasi kung may feeling siya edi dapat nanliligaw na yun.!"
" Sus meron kaya tao ganun kung nahihiya siya yun yung ginagawa niya ang mangulit ... ewan ko sayo best kung maniniwala ka. Palibhasa kasi ang manhid mo."
Di ko narinig yung huli niyang sinabi.
"Ha?anong sabi mo?"
"Wala best dyan na si Maam."
Ewan ko sa Bff ko kung anong pinagsasabi pero parang may gumugulo talaga sa isip ko .Pagkatapos ng mahabang oras hay sa wakas natapos na rin ang Class namin dumiretso na ako ng canteen kung itatanong niyo kung nasan si bff dun may pupuntuhan raw sila ni Tita Jen mother niya kaya mag isa ako kumain.Habang kumakain ay may tumabi sa akin sino pa ba?alam nyo na yun.!
"Hello mag-isa ka lang? tabi tayo crushiee!"
"Ano ka ba! di ba may Deal tayo! sabi mo di mo na ako sasabihan ng ganyan? di ka ba marunong tumupad ng usapan?"
"Sinabi ko ba yun?"
"Oo."
"Di nga?."
"OO NGA ANG KULIT MO!"
"Ah ganun ba sige kung ganon can I called you Babes.?'
ERR... nakakainis talaga ang lalaking 'to pero tay ka lang parang kinnilig ako sa sinabi niya natawagin niya ako na Babes No way!! baka tama si Bff na may na may OMGGGGGGGGGGGG!!!!!!
Hindi mali yung iniisip mo Joy hindi pwede.
"Errrrr.kainis naman o dyan ka nga."
Tinalikuran ko na siya bigla na lang sumigaw siya.
"Uyy Babes! di ka pa tapos kumain baka pumayat ka!"
Napatigil ako sa sinabi niya nakita ko naman na lahat ng mga taong kumakain ay nakatingin sa akin.nakakahiya parang matutunaw na ako. Help me Lord..sa sobrang hiya tumakbo ako palabas habang tumakbo ay may nakabunggo at natumba, akala ko ba si Elle ang mahilig bumunggo sa storyang 'to?Wow nabunggo ako di man lang ako tinulungan.Sa sobrang inis ko ay nasigawan ko siya.
"Hoy! di ka ba marunong tumingin sa dinadaanan mo?"Walang aangal ganyan talaga ako kapag galit pero wag nyo muna akong husgahan Ok.?
"Miss ikaw kaya?kung tutuusin nga ikaw nakabunggo sa akin."
BOOM!!!!!!PATAY Buking.
"Ah...ah ganun ba?ah basta a..h so what dapat umiwas ka!"
iniwas ko ang tingin ko sa kanya nakakahiya may point naman talaga siya totoo naman kasi ako ang nakabunggo.
"hahahahaha.."
napataas naman ako ng kilay ko.
"Anong nakakatawa?"
"Wala lang ang cute mo kasi eh."
"A..aanno?"
Potz naman 'to nauutal ako at anong sinabi niya cute ako? di ko pa nga siya kilala eh.
Bigla na lang siyang umubo at nagpakilala sa akin.
"I'm Ren Angelo Cruz and you are?"
Style mo buloksie!hahaha ah ano ka ba joy nagpapakilala lang naman eh walang halong malisya umayos ayos ka diyan mukha namang mabait gwapo at mukhang gentleman di tulad kay Elle oppsss....bakit naman napasok si Elle.??hmmmm???
"I'm Joy." ningitian ko siya.
"Yan ang ganda mo pala kapag nakangiti."
Nambola pa sus.!Hay salamat at nagkasundo rin kami habang naglalakad kami ni Ren ay bigla na lang may sumigaw sa aking panagalan.
"Joy my babessssssss!"
hmmm.. ako ba yun?Ang Hinayupak na yun!!! Lagot ka mamaya sa akin. Paglingon ko nakita ko si Elle na palapit sa amin ni Ren. Anak naman na hinayupak na kambing.Bigla naman niya ako inakbayan at tumingin kay Ren ng seryoso.
"Sino siya Babes?"
Inalis ko ang pagkaakbay sa kanya at binulungan ko siya.
"Pwede bang tigilan mo ako sa pagsasabi ng ganyan parang sinisira mo yata ang figure ng katawan ko."Pero imbis na tigilan ay itinuloy niya pa rin.
"Babes naman eh.?!"
masiko nga para matigilan.
"Aray.!"
'What's the problem?' tanong ni ren
"aa..h wala.Don't mind us.uhmm ..Ren this is Elle may f.."
his boyfriend...nanlaki naman ang mata ko sa sinabi ni Elle.
Ano ba 'to nakakahiya naman kay Ren.
"Excuse me Ren may pag uusapan lang kami ng Babes ko."
Kinaladkad ako ni Elle uhhh.. kainis! habang kinakaladkad ako ni Elle lumingon ako nakita ko naman na sumeryoso ang tingin ni Ren sa amin.hay buhay nga naman oh.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~''
Please vote and comment sorry kung ngayon lang ako nag update kasi busy talaga ako eh pero ititry ko ang best ko, salamat po.:)
~cjdreamer23~