| Chapter 1 | - The Confession

9 0 0
                                    

• Umaga •


"I like you,please go out with me."
Gulat kong nilingon si Ethan at nakitang nakangiti sya sa akin, tinitigan ko sya ng ilang segundo saka nagsalita,"Jowang-jowa ka na talaga siguro." sabay tawa kong sabi at pabirong sinuntok sya sa pisnge, tinitigan nya ako saka tinanggal ang kamao ko sa mukha nya saka in-intertwine ang mga daliri nya sa akin- He glance at me as he lean close. "Seryoso ako."
"Weh?" may halong nerbyos kong tanong,yung mukha nya kasi hindi convincing, tumawa sya ng marahan saka pinisil ang hawak nyang kamay ko. "Oo nga..paulit-ulit?"
Binawi ko ang kamay ko at napangiwi nalang nung napunta ang tingin sa suot kong sapatos.
Pangtatlong araw palang ng bagong school year may nantitrip na saken,di naman ako desperada magkajowa noh. Sinilip ko si Ethan na pinagpatuloy ang pagsusulat saka ulit itinuon ang atensyon sa notebook ko,sya ang seatmate ko dahil sa magkalapit ang ibang letra ng apelyido namin. Charot,nakipag-agawan sya dun sa nauna nung Monday. Hanggang ngayon ramdam ko yung inis nung gustong umupo dito sa hulihan ng
row 2.





• Tanghali •




Tapos na ang Literature sub namin at lunch na ngayon,di na ko lumabas kasi may dala naman akong baon. Napilitan lang kasi nagdrama si mama kanina,di ko na daw pinag-nanasaan mga niluto nya -___-

"Sarap?"
Bigla akong inubo nung narinig ko si Ethan sa likod ko,agad naman nyang hinagod ang likod ko at tumatawa pa ang animal. Itinaas ko ang braso ko at tinwist saka sya sinampal-sampal,habang ngumunguya."Bwesit ka ha,kitang kumakain eh." Inis kong sabi. Kinuha nya yung upuan nya saka inilapit sa opposite side ng table ko,umupo sya saka sinubukang agawin yung kutsara saken na inilalayo ko sa bawat try nya. "Ethan kumakain ako." Binantaan ko sya gamit nung tumblr ko at yung hayop ngumisi lang.
"I'm trying to feed you,ngayon kung ibigay mo lang yung kutsara-"
"Ayaw! Di ka ba kakain? Kumain ka nalang sa table mo!" I stick my tongue at him and continue eating. Nanghalumbaba sya't ngumti,"Concern ka saken? Ah pero tapos na ko kumain."
"Ulol di noh! Layuan mo nga ko." sagot ko,kinagatan ko ang fried tempura at ngumuya. Masarap naman magluto si mama,pero minsan lang.
"Sigurado ka?..You want me to leave?"
Saad nya,di ko sya sinagot.
Iniwasan ko ang tingin nya at nagpanggap na di sya narinig. Di ko naman sinasadyang sabihin yun. >__>
Wag kasi akong guluhin pag kumakain,tss.
"Wag ka nga,I said that out of irritation. Di ko yun sinasadya." Uminom ako ng tubig mula sa tumblr at tinignan sya,"Saka bakit ba gusto mo ko?"
Tinignan nya kong nakakunot ang noo and scuffs. "What do mean? Di kita gusto."
Napatigil ako sa pagsara ng lid ng baunan ko at inangat ang atensyon sa kanya.


Malumanay nya akong nginitian at sinundot ang noo ko. "..Mahal kita."
Aakmang magsasalita ako nung binagsak nya ang isa nyang kamay sa baunan ko,shutting it.
"I love you."
Pag-uulit nya.
Di ko alam ang mararamdaman ko sa sitwasyong ito. Medyo nadisappoint ako nung sinabi nya yun pero nawala nung sinabi nya yung 'mahal kita'.. Pinaglalaruan ata ako nito eh!
"Che."
Tumayo ako't iniwan sya doon sa table ko,narinig kong tinawag nya ako. Naramdaman ko rin yung tingin ng mga kaklase ko na kanina pa atang nanunood sa amin.
"Cole! San ka pupunta?" pasigaw nyang tanong,nilingon ko sya ng dalawang segundo at sinagot sya ng "Che!"


I'm at loss of words.
Basta gusto ko lang umalis doon.
Yung atmosphere na binuo nya sa paligid ko ay sinasakal ako in a way na di ko ma-explain.
Napapalingon yung mga nakakasalubong ko na mga estudyante saken - and I don't know why but this heat on my face is overwhelming.
Kelangan kong mag cool down!




• Hapon •

Kasalukuyan akong naglalakad palabas ng campus,nasa cleaning duty si Ethan kaya yakang-yaka akong tumakas. Si Macaduilos dapat yun pero may club activity sya kaya si Ethan yung pumalit. Yung mukha nya kanina di maipinta eh haha.
"Tawa tawa mo dyan?"
Napatalon ako sa gulat at narealise na nasa tabi ko na pala ang gago.
"Ba't ka nandito? Diba cleaning duty mo ngayon?!" I retorted. Hinawakan nya ang braso ko saka sapilitan na ikinapit sa braso nya while holding my hand.
"Bumalik si Macaduilos kasi wala naman silang C.A ngayon hehe." He wink at me while sticking his tongue out..like a frigging anime character would.
Sinubukan kong kumawala sa kanya pero mahigpit nyang hinawakan ang kamay ko at ginamit nya yung isa nyang kamay para hawakan ang nakaintertwine kong braso sa kanya.
"Sasaktan mo sarili mo,stop."
"I should be saying that idiot!"
Humalakhak sya at tinignan ako,his eyes are smiling along with his lips.
"Sinasabi mo bang tumigil ako sa pagmamahal sayo kasi masasaktan ako?"
Tinignan ko sya ng hindi makapaniwala.
"Ano bang sinasabi mo?Argh!"
Sumuko na ko -__-
Malakas ang gago na to kesa saken.
Masaya nyang pinisil ang kamay ko at nakalabas na kami ng campus.
"San bahay mo Cole?"
Di ko sya sinagot,ayokong malaman nya,baka puntahan pa ko eh.
"Hoy san bahay nyo?" tanong nya ulit,pero hindi ko sya pinansin. Tumahimik sya ng ilang minuto habang naglalakad kami at tumigil nalang bigla,nahila ako pabalik dahil dire-diretso akong naglalakad. Tumingin ako sa kanya,nakatingin din sya saken. Nagkatitigan kami hanggang sa napabuntong-hininga nalang ako,he's childish too - how convenient.
"Anoo?" naiinis kong tanong,pinalobo nya ang mga pisnge nya saka umiwas ng tingin.
"I'm not going to move if you don't tell me where your house is."
"Ang panget pakinggan ng sinabi mong yan in so many level."

Ngumisi sya at bumingisngis.
"Yaa dirty-minded ka pala wahaha"
Mabilis ko syang sinampal sa braso at humakbang pero nahila lang ako pabalik sa kanya. Nilingon ko sya gamit ang nakakabwesit na tingin. "Ethan!" Inis kong sigaw. Yet his expression stayed the same,umiling sya at tinignan ako.
"House address first."
Bagot akong huminga ng malalim at sumuko ulit ng pangdalawang beses ngayong araw. Itinuro ko na ang bahay ko at masayang naglakad si Ethan - dragging me in the process.





| Where Spring I Fell For You |Where stories live. Discover now