Kasalukuyan kong tinatahak ang daan patungo sa kawalan. Sa gitna ng malakas na buhos na ulan,halos hindi ko na makita ang daan mula sa windshield ng aking sasakyan.
'Saan ba ako papunta?', ang tanong na ako mismo ay hindi ko masagot. Para akong wala sa sarili na binabaybay ang daanan. Tinutumbok ang kalsadang di ko alam ang patutunguhan.
Basta't ang alam ko lang ay kailangan kong lumayo mula sa sakit na naidulot ng taksil kong kaibigan pati na rin ang gago kong boyfriend-Oops!EX na nga pala.
It pained me when I found out their affair. Sa mismong condo pa namin ni Kris!Matagal na pala nila akong niloloko at ang haliparot! Talagang napaka AHAS!Magsama silang dalawa!
Matapos man ang pagbugso ng malakas na ulan ay hindi pa rin matatapos ang sakit ng aking nararamdaman. Napakasakit na malamang ganito lamang ang gagawin sa akin ni Lailani. I treated her as my own sister but she stabbed me at the back.
Patuloy ko pa rin binabagtas ang daan na hindi ko man lang alam kung saan papunta ito, dahil na rin siguro sa sakit ay hindi ko na namalayan kung saan na dinala ng pagdadrive ko ang aking sarili.
'Lutang ka talaga kahit kailan Jade!'
Nang biglang huminto ang aking sasakyan.
'Damn! Wala na pa lang gas ito!'
Nahampas ko ang manibela sa labis na frustration.
'Great! Heartbroken na nga ako tapos minamalas pa ngayon'
Napatingin ako sa labas. Kanina pa tumigil ang ulan ngunit may pakunti-konti pang ambon. Pinagmasdan ko ang paligid. Napapalibutan ng mga nagtataasang puno ang magkabilaan na daan.
'Shuta! Parang pang Wrong turn ang set-up'
Sa gitna ay makikita ang dalawang daan na sa hinuha ko ay papunta sa Biñan ang sa kaliwa.
Napukaw ang aking mata sa isa pang daan. May poste ito ng ilaw at may nakasabit na karatula. Napakunot ang aking noo. I couldn't read it because it was meters away from where I am that's why nagdecide akong lumabas.
Nanuot sa aking balat ang malamig na simoy ng hangin. Tanging plain white shirt at denim pants lamang kasi ang aking suot. Nagsimula akong maglakad patungo sa poste. Nang makalapit ako ay nagsalubong ang aking kilay.
"Road to Forever Land?", mahinang bigkas ko.
'Anong kalokohan ito? Forever land?Wow Lang huh!'
Baka pakulo lang ito ng sinumang may saltik diyan kaya may ganito. Napapalatak ako ng makita ko ang nakasulat sa baba nito.
'Where you can find FOREVER'.
'Talagang naka-caps lock pa ah?'
"FOREVER? Kalokohan!", sarkastiko kong saad sabay suntok sa karatula. Pagkalapat ng kamao ko sa karatula ay bigla na lamang umikot ang paningin ko.
Nahihilo na ako dahil hindi mawala ang pag-ikot kaya't napapikit na lamang ako. Nang maramdaman Kong tumigil na ang pag-ikot ay dinilat ko na ang aking mga mata.
Bumungad sa akin ang mala paraisong ganda ng paligid. Napapaligiran ako ng mga iba't ibang kulay ng mga bulaklak at mga nagliliparang paru-paro na magkakaiba ang kulay ng pakpak.
"Damn!This is a paradise!", I uttered in awe.
Sa paglibot ng aking mga mata ay di ko maiwasang magtaka.
'Bakit kulay ginto ang dahon ng mga puno?'
Although maganda siyang tignan ay hindi ko maiwasang magtaka. As far as I remember, the usual color of the tree's leaves are green and there are some cases na pink or red like Sakura tree.
"What the heck?! Where the hell am I?!"
################################
Author's note:
Ahmm hello po sa inyong lahat!😁. I'm just a new writer here Kaya po pagpasensyahan niyo na po Kung di po maganda ang flow ng story ko. This is my first time to write a fantasy story kaya advanced sorry po kung medyo lame😂.Sana po suportahan at magustuhan niyo po ang story ko.😊
BINABASA MO ANG
Road to Forever Land(boyxboy)
FantasyJade has been teleported in the place too far from where he came from. A world full of mysteries and magic. Would he able to survive to the world he believes he doesn't belong? OR..... Stay and unlock the mysteries about the nostalgic world of For...