Beat 2

11 0 0
                                    

"Hypnos King!!!!!!"

Tinawag ko sya ng malakas para marinig nya naman. Kanina pa klo tawag ng tawag sa kanya e. Di sya lumilingon. Problema ba nitong tukmol na to?

"Hoyyyy! Intayin mo naman ako."

*PLAKAK*

Okay, ang panget ng sound effects lol.

Dahil sa pagmamadali kong habulin sya nadapa tuloy ako =_= at ang kumag. Di man lang lumingon. Ge ganyan pala hah.

"Sht. Aray!"

Tae, dumudugo tuhod ko bat pa kasi ako nagsho-short kapag nagpa-practice e. Next time nga magpa-pants na ako.

Umupo na lang ako sa gilid ng kalsada habang pinupunasan yung dugo mula sa tuhod ko. Buti na lang walang nakakita sakin kundi pahiya lang ulit ako.

"He must be Hypnos King huh?"

Napatingala ako sa lalaking nagsasalita.

"Ah oo."

Ahh sya yung lalaking nagbukas kanina ng pintuan habang nagpa-practice kami. Yabang talaga ng Aura ng lalaking to. Dala-dala padin nya yung gitara nya hanggang ngayon. Wow huh? Di ba sya nangangawit?

"Is he your friend?"

Tanong naman nya sakin. Eh ano namang pakelam nya? Wag nyang sabihing isa rin sya sa mga may gusto kay Hyp kaya nya tinatanong? OMG!

"Oo, bakit?"

Tanong ko naman sa kanya.

"Nothing, if he is really your friend then he should be helping you right now. "

Ano bang gustong iparating ng lalaking to? Suntukan na lang ano?

"Ano bang pakelam mo?"

"Wala. I'm just asking some info about him, buong campus kasi puro mukha nya yung nakapost sa mga dingding. Nangangampanya ba sya for upcoming Student Council?"

Tengene. Nagtatagalog naman pala tong tukmol na to. Halos tumulo na yung dugo dito sa ilong! Shet. Oh My God Sahod!!!!

"Haha, masanay ka na. Campus Bad Boy yang lalaking yan! Famous yan. At hindi sya nangangampanya sa Student Council. Kahit siguro pumuti ang uwak di nya gagawin yun. Tss"

"Halatang bad boy halata sa pang-iiwan nya sayo jan. Nagkasugat ka tuloy."

Wait, kanina pa kami nag-uusap netong lalaking to ah? Di ko naman alam pangalan. Haha

"Saglit. Ano nga bang pangalan mo? Kanina pa kasi tayo usap ng usap dito tapos di naman natin kilala ang isa't-isa."

Wow lalim naman ng mga pinagsasabi ko. Haha

"I'm Rain. Rain Pain to be exact."

Wow. Ulan na nga sakit pa. Hahaha imba din pangalan neto e noh?

"Haha, nice name. Unique ah!"

"Shempre, ganun talaga pag pogi."

Wow huh? kaka-kilala pa lang namin ang yabang na nya. Oh well unang kita ko pa lang naman sa kany mayabang na talaga yung aura nya e. Pero mukha naman syang mabait kasi nakakapag-biro na sya sa harapan ko e.

"Galing mo din magjoke no!"

"Oy grabe ka hindi ako nagjojoke!"

Wow so seryoso sya sa pagsasabing pogi sya?

Bigla namang kumunot yung noo ko dahil sa paninindigan nya.

"Bat ba? Di ka ba naniniwala? Kitang kita na yung ebidensya oh!"

"Lah?"

Lalo namang napakunot yung noo dahil sa kayabangan nya. Sipain ko to e!

"Ge na wag na. Di ko na ipipilit. Baka magkadikit lalo yang kilay mo e!"

Tapos umupo sya sa tabi ko.

"Lika nga! Gamutin natin yang sugat mo!"

Naglabas sya ng tubig tapos ng panyo. Yung totoo? Marunong ba talaga syang manggamot?

"Anong gagawin mo sa sugat ko?"

"Malamang gagamutin. Ife-first aid ko lang muna kahit di ako marunong basta ita-try ko."

Tapos nagsmile sya. Cute pala sya noh? Wow huh? Balak nya ba akong pag-ekseperemtuhan? Yung totoo?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 02, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Road To My BeatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon