How do I start thee? :(
Error 404 - Speech not found. Proceed to other writeups below.
Titulo
Yung title ay dapat catchy sa mababasa. Eto yung isa sa makakadagdag sa mababasa mo. Dito, iikot ang storya. Soul to ng yong sulatin eh.
Gawin mo ring desente. Wag yung parang 4ever 4nd 3ver .. Ano to? Algebra? Gawin mo nang Forever And Ever. (example lang) Siguro'y gamitin mo lang yung may mga numero at yung mala-jejeng titulo if necessary at kung sa tingin mo' y ganun talaga dapat at kung mapapakinabangan mo.
Ayon sa isang librong nabasa ko, limitahan mo ang paggamit ng mga salita sa titulo. Wag masyadong mahaba dahil baka malimutan agad. Siguro'y 4 to 6 syllables or 3-5 words lang.
( I did not follow this.. Lol. 7 words yung akin eh )
Book Cover
Isa rin 'to ang nakakahuli ng pansin ng mga mambabasa. Kung maganda ang titulo mo ngunit hindi naman gaanong maayos o malinis tignan ang cover, hindi rin naman sila mapupursue na magbasa at maaaring masasayang ang effort mong magsulat kung ganoon kaya't lubusin mo na at magpagawa o gumawa ka ng sarili mong cover.
a. Font
At least sa cover ay sana maintindihan yung titulo mo kaya gumamit ka ng font na pinagpilian mo talaga. Wag kang mag inie-minie-minie-mo sa pagpipiliang fonts. Maraming font styles, oo, alam ko. Pero pagpilian mo parin.
b. Color
Sa kulay naman, piliin mo yung naaayon rito. Kapag yung background color mo ay white, tingin ko, lahat ng font color ay babagay maliban sà light colours. Pero kung ang background color mo ay dark, light colors ang pangcontrast dapat 'jan.
Content
Dito ka dapat mag concentrate. Dito mo malalaman limitations mo sa pagsusulat at kung hanggang saan mo kayang panindigan ang pag uupdate ng storya.
Makikita mo rin dito kung saang banda ka sinoporthan ng mambabasa, base sa nilalaman nito. Wag mong gawing boring at lagyan ng kung anu-ano kung di naman kinakailangan at wag ka gaanong magpasikot-sikot, dahil ang mga mambabasa ay nagsasawa rin naman yan.
a. Grammatizations and Pluralizations
Sa dami ng storyang nabasa ko na, may mga wrong grammars talaga. Hindi naman maiiwasan eh. Kahit eksperto ay may mga mali pa rin. Maraming kritiko 'jan na nagmamasid at pwede niyong ipa-correct. Nag school naman siguro kayo.
b. Prologue
Da't may feelings dito. Syempre ito yung unang babasahin. Sa prologue ay pwede sigurong kumuha ka ng eksena sa storya mo. Pero dapat manatiling mysteryoso.
Or, pwede ring ito yung first scene mo sa story. Wag masyadong cliche! Give a different situation. Una palang, may kakagat na dapat.
c. Characters
Okay lang naman na hindi gaanong unique ang pangalan ng mga chracters mo sa story. Pero para saakin ay ang pag bigay ng unique name ay isang estratehiya para maging memorable sa mambabasa yung obra mo.
Gawin mong naayon sa mga pangalan nila yung role nila.
Dominique Gabrielle Oxford daw tapos manlilimos lang pala sa kalye. Ang gara ne. Unless kung necessary na ganoon talaga dapat. Manlilimos siya pero anak-mayaman pala. Yun, pwedeng ganun... Am I making sense? Lol.
d. Vocabulary
Mas lalo kang hahangaan kung makakagamit ka ng malalalim na salita at kung malawak ang bukabularyo mo. Isa pa, mas mabisa ito sa pag eexpress ng feelings ng character para mas dama ng mga mambabasa. Although hindi naman ito minamadali at panahon sa pagbabasa at pageensayo sa pagsusulat ang kinakailangan.
BINABASA MO ANG
Tips And Guides In Writing
RandomTips And Guides In Writing. Definitely po, HINDI ako dalubhasa sa pagsusulat. I'm just giving my own opinions in what could improve writing outputs and skills. Go on and read. I hope it could help. #HatersGonnaHateButPotatoesWillNeverPotate