* * *"Kylie!" Tawag sa akin ng boses lalaki. At paglingon ko ay nakita ko si Lhiam na hingal na hingal. At halatang tumakbo siya para habulin ako.
"Ohh bakit Lhiam?" Tanong ko.
"P-pede ba t-tayong lumabas?"Hooo..hooo... sabi niya habang nakahawak sa dalawang tuhod at hinahabol pa rin ang kanyang hininga.
"Oo naman saan ba tayo pupunta?" Tanong ko.
"Kung saan mo gusto. Ano bang gusto mong kainin?" Tanong niya.
"Ahhh wait ganto na lang. Ililibre mo ako ng milktea tapos ililibre kita ng donut? Okay ba yun?" Tanong ko.
"Hindi ako na lang ang magbabayad nun lahat" sabi niya.
"Hindi basta hati tayo. Ako sa donut ikaw sa milktea. Is that clear?" Tanong ko.
"Okay po madam" sabi niya.
* * *
Alam kong lalaki ako pero di ko na siya napigilan dahil minsan ay makulit siya. Baka masapok pa ako ng wala sa oras.
* * *
"Ang sarap talaga nung donut nu?" Tanong ko sa kanya.
"Oo nga halata nga kanina. Ang sarap mo kumain ei. Parang kapag pinanood kita mabubusog na ako ei" sagot niya at napangiti naman ako.
"Thank you" sabi ko ng nakangiti.
"Wala yun pero thank you din" sabi niya nginitian ko na lang siya.
*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*
YOU ARE READING
I Ain't Perfect (On Going)
Short StoryKikiligin kayo kaya basahin mo na sis. Lovelots from janapot!