the wedding.. (the epic fail version)

33 0 0
                                    

badtrip ewan out of the blue naalala ko lang..

2 and a half years ago, i was nearly getting married.. i love him he loves me.. haha syempre ganon talaga kapag walang magawa, ginagawang libangan ang ma-inlove :) happy ever after ang drama namin noon, pakialam ko sa ibang tao basta ako in love :) actually di sya ganon kagwapo haha siniraan daw, pero mabait sya oo responsable din pwede na, ayoko na isa isahin baka magkahydrocephalus pa yun at lumaki ang ulo :D ..masaya kaming namumuhay noon sa kabundukan kasama ang mga alaga naming mga kambing at baka :D pero syempre joke lang yun dahil ayokong aminin na bitter ako :) basta dapat ikakasal na kami noon period..

cont..

supportive yung mga parents namin that time, mas excited pa sila samin pano wala pang makukulit na tyanak na nambubuysit sakanila.. buti nalang wala pa akong topak ng mga panahong yun, di pa uso ang paghithit ng katol, dahil malamang nasabihan ko sana ang magulang nya na "hoy yung anak nyo po inuna na yung honeymoon :)".. basta in short walang kontra sa pagmamahalan namin dahil ang kumontra putol agad ang ulo sakin nyan :D kaya sige subukan nila :) 

3 years ng paglolokohan ang pinagdaanan namin, joke lang po, smooth masyado ang kwento namin, walang hassle, walang kontrabida, wala masyado problema, chill kami masyado eh, we were like bestfriends, brothers, lovers magkasundo kami ng sobra..pero syempre sa edad namin na yun meron pa kaming mga unfinished business, oo parang kaluluwa lang na di matahimik :) ..i always wanted to be a CPA, kaya ayun uwi ako ng naga city, he stayed in laguna.. syempre matino ako, di ako lumandi oo totoo yun kahit pa nagsisihubaran na sa harap ko yung mga pilengerong gwapong mga atenista na yun, akala naman nila papatulan ko sila, hoy mukha nyo titikim lang ako :) ay sorry nadala lang po ako ng bugso ng aking damdamin :D at joke lang yun, mabait po ako. pero syempre matino din naman sya wag lang padakip sakin ang loko, putol yun for sure!

until one day, months bago ang plan namin to get married, i called him pero girl ang sumagot, nagtaka ako, loko nagpasex change yata, pati adams apple pinatanggal :D she asked me kung sino ako, i said "just tell him i called, we're close friends.." ouch, tumulo yata yung sipon ko pagkababa ko ng phone, di ko napigilan eh.. tumawag si boylet nung gabing yun, at isang malutong na "i'm sorry, di ko alam ang gagawin ko.." ang narinig ko sakanya.. naiisip ko tuloy wow pwede na tong pang maalaala mo kaya :) wag kayong mag alala ok lang ako lintik na buhay to.. one night stand with a friend na natuluyan? kamusta naman yun, kaswertenaman, jackpot agad, 3 point shot..

yung totoo nasaktan ako ng sobra, di ko na naisip nung panahon na yun yung tungkol saming dalawa eh, naisip ko yung parents ko dahil yung taong pinagkatiwalaan nila ginago ako.. andun na kami eh, konting panahon nalang happy ever after na sana kami.. di alam ng parents ko lahat ng to, hanggang ngayon maganda pa rin ang image nya samin. basta sabi ko nalang kay mama "ma, masyado kaming malayo sa isa't isa eh, i get bored.." kaya sakin galit ang parents ko..

he went to abroad to leave the girl. his parents called me to apologize, pananagutan daw nila yung baby pero not the girl. tumawag din sya sakin, nagsorry sya at sinabing "mahal na mahal na mahal pa rin kita, umalis ako ng pilipinas dahil naguguluhan ako, di ko alam kung pano susolusyunan yung nagawa ko, ayokong ipakasal nila ko sakanya.." nadurog yung puso ko, parang bopis lang na pira piraso na. alam kong mahal na mahal ko din sya ng panahon na yun, sobra sobra, gulong gulo ako that time, di ko alam kung sino dapat lapitan at kausapin. natuto akong tumambay sa san francisco church para lang humagulhol, muka nga akong timang dun kase naman mas malakas pa yung singhot ko kesa dun sa mga matatandang nagnonovena,. ayun nalimutan ko din yung ibang priorities ko, i failed my accounting class, naisip ko nga ano kaya kung pasagasa ako para kunwari aksidente lang.. ayoko makitang mafrustrate sakin ang parents ko, ganoon kataas ang respect ko sakanila, never ko pang nafail ang expectaions nila, kaya kapag nasagasaan ako parang aksidente lang, di ko na masasabi sakanila na "mom, dad, i failed.." dahil masakit para sakin ang magkamali.. kapag suicide naman kase halatang madrama yung pinagdadaanan diba :)

last words..

"alam mo mahal na mahal na mahal kita ng sobra, pero kailangan kong gawin yung "dapat", hindi lahat ng oras susundin natin yung mga nararamdaman natin, iba na ang sitwasyon natin ngayon, oo mahal kita pero meron isang tao naghihintay na mahalin mo. hindi ako ok, pero someday i will be.. ito yung tama, ito yung dapat.. you'll be a father soon, it's a blessing,it's a great job you know, you may not see now the goodness out of it kase bitter tayo pareho but someday di natin alam maybe in a larger scale dun mo mafeel yung positive effect ng pangyayaring to.. oo masakit syempre na mawala ka pero di ko kakayanin na agawin ang daddy ng isang baby, i can't stay with you, i have to move forward without you.."

at yun po ang pinakamasayang bahagi ng buhay ko dahil naging single ako :)

apir!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 19, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

the wedding.. (the epic fail version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon