PANGARAP NA BITUIN

49 5 0
                                    


    Libre lang ang mangarap. Hindi naman siguro masamang mangarap hindi ba? Hindi naman porket nangangarap ka na ay ambisyoso o ambisyosa ka na agad. Naniniwala akong libre ito. Malaya tayong bumuo ng ating mga gugustuhin sa pamamagitan ng malikhain nating imahinasyon. Minsan, ito na lang ang hindi pwedeng ipagkait sa atin ng tadhana.

   Subalit, anong gagawin mo kung isang araw dadalhin ka ng mapaglarong kapalaran sa ninanais mong lugar? Lugar na kung saan kay tagal mo nang inaasam-asam na masaksihan at libutin. Ano nang gagawin mo? Handa ka na bang sunggaban ang pagkakataong ito o hayaan na lang na mawala na parang bula?

   Siya nga pala si Akira Salvatera, isa lamang ordinaryong tao na may simpleng pamumuhay katulad sa karamihan na may pangarap sa buhay. Ang paglalakbay ay isa sa mga pinakagusto niyang gawin noon pa man bilang isang bata na wala pang ibang iniisip kung hindi ang magpakasaya sa buhay. Pangarap niyang makapunta sa iba't ibang lugar na magaganda ang tanawin at marami ring tao ang pumupunta.

Sapagkat ayon sa kaniya masayang maglakbay at magpunta kung saan malayo ka sa nakasanayan mong lugar dahil marami kang matutunang mga bagay. Ngunit dahil estudyante pa lamang siya, at wala pang kakayahan ang pamilya niyang makapunta sa malalayong lugar. Iilan pa lamang ang napupuntahan niyang lugar na dinarayo ng maraming tao.

"Ate Akira, ba't nandyan ka pa sa bubong?" napatingin siya sa kanyang inosenteng kapatid na nakasilip sa munting bintana at ngumiti dito.

"Nagpapahangin lang ako, Aileen!" muli akong tumingin sa langit at mas lalong napangiti.

" Oyy! Bulalakaw!!" dugtong niya ng may nakita siyang tala na nagniningning. Dali-dali niyang pinikit ang kanyang mga mata at humiling.

Sa pagmulat ng kanyang napakagandang mata bigla siyang natigilan. Pinagmasdan niya ang kapaligiran, napakagandang tanawin ang bumungad sa kanya. Wala siya sa bubong ng kanilang tahanan, subalit pamilyar sa kanya ang lugar na iyon.

Para siyang nasa isang paraiso. Inilibot niya ang tingin sa kabuoan ng siyudad na halos mapanganga siya sa ganda. Hindi niya akalaing may ganitong lugar pala na may napakagandang tanawin. Ang lugar ay napapalibutan ng maraming bundok ngunit ang lungsod mismo ay medyo patag sapagkat ito ay nasa pagitan ng Han River. Karamihan ng lunsod ay binubuo ng mga matataas na gusali, mga gusaling apartamento at mga tradisyonal na arkitektura.

Natutop niya ang kanyang bibig at muling natigilan ng wala sa oras, prinoproseso ng kanyang utak ang mga nalaman. Kinurot niya ang kanyang sarili, " Aray!...hindi pa ako patay, baka panaginip lang ito!!" Pangungumbinsi niya sa kanyang sarili.

Nabaling ang kanyang atensiyon sa kanyang kasuotan dahil iba na ang kanyang suot na damit. Wari niya ay nakasuot siya ng kilalang kasuotan ng Korea, ang Hanbok ay tumutukoy sa tradisyonal na pananamit na isinusuot ng mga Koreano sa mga espesyal na okasyon o kapag mayroong anumang magandang kaganapan sa buhay. Itinuturing ito bilang pormal na tradisyonal na kasuotan. Matingkad ang kulay nito, ang kurba na halos parang payong, at ang mga tuwid na linya na ginawang napaka-elegante at kaakit-akit.

"AHHHHHHHHH!!" napasigaw siya ng wala sa oras dahil sa kanyang nasaksihan.

"Totoo ba ito?! Nasaan akoooo? Tama, baka panaginip lang ito!" nagugulimihanan niyang sambit.

"Hindi ka nananaginip," sambit ng malamyos na tinig na hindi niya mawari kung saan nagmula.

"Sino ka?! Magpakita ka?!" aniya na tila pinapatatag ang kanyang tinig dahil sa kalituhang nangyayari sa kaniya.

"Kahilingan mo ay aking tinupad. Kaya humayo ka at damhin ang pagkakataong ito." Saad nito. Natuliro siya sa kanyang napakinggan. Muling niyang inalala ang mga kaganapan bago ang pangyayaring ito.

PANGARAP NA BITUINWhere stories live. Discover now