Isa

142 13 8
                                    

Iniyuyugyog ng isang tatlong taong gulang na bata ang babaeng natutulog sa kama.

"Ate ate ate!" Sabik na sabik nitong gisingin ang ate niyang wala pang halos tatlong oras ang tulog, dahil sa madaling araw na itong umuwi galing sa trabaho.

"Alice, mamaya mo na gisingin ang ate mo. Pagod pa iyan galing sa trabaho. 'Wag mo munang istorbohin." Sigaw ng nanay nila mula sa kusina.

Dahil sa kayuyugyog ng bata at dahil narin sa ingay ng boses nito sa katatawag, pungay-pungay siyang napatingin sa batang nakangiting nakatingin sa kanya.

"Hmm....Alice, mamaya na." Antok na antok niyang sabi. Pero imbis na tumahimik mas lalong umingay pa ito.

Kahit na nilalamon na siya ng kanyang antok, hindi niya mapigilang mapatingin sa batang nahihirapang umakyat sa kama. Ang cute. Lumapit ito sa kanya at pinadaganan siya sa katawan kunyaring naglalambing sa kanya.

"Syabi mo diba ishasha mo ko sa bayan. May fireworks d'on."

Hindi niya mapigilang halikan ito sa pisnge dahil sa itsura nito at nagpapacute pa talaga sa kanya na siyang kahinaan niya.

"Syempre naman pero mamayang hapon pa tayo pupunta. Behave ka mo na, okay?" Sabi niya sa batang Alice na higpit na higpit na nakayakap sa kanya. Pumasok ang nanay nila sa kwarto.

"Alice! Ikaw na bata ka ang kulit mo talaga."

"Tinatawag ka na ni nanay. Sige na baka magbago pa isip ko na 'di tayo matuloy mamaya dahil hindi ka good girl."

"Good girl ako ate!"

"Okay. Good girl si Baby Alice."  Sabi niya at hinalikan ito sa pisnge dahil sa matinding kacutetan nitong nakasimangot at nakanguso pa.

"Halika kana Alice. Anak , magpahinga ka muna."Sabi ng nanay nila.

"Opo, Nay" tangong sabi niya.

Minamasdan niya ang dalawang papaalis ng kwarto. Hindi niya mapigilan mapangiti sa mga ito. Ang nanay  niyang parang minana pa ata ang kasuotan nito sa lola nito at ang kaisa-isa anak niyang si Alice.

Oo. Tama. Hindi niya ito mga tunay na pamilya...





Sampung taong ng nakalipas, matapos ang trahidya, tila parang kahapon lamang ang lahat na nangyari kay Clarisse. Gusto niya man itong kalimutin, pero lagi naman siyang dinadalaw ng bangongot ng kanyang nakaraan.

Matapos lumubog ang barkong sinasakyan nilang mag-ama, napadpad si Clarisse sa isang isla at natagpuan ng mag-asawang nagkupkop sa kanya ngayon.

Si naynay Linda at tatay Julio niya.

Hindi niya akalain, pagkatapos ng lahat na nangyari sa kanya, magkakaroon siya ng pangalawang pagkakataon mabuhay at magkaroon ng mga taong itinuring siyang bahagi ng pamilya.

Bata pa lamang,  hindi na niya nasilayaan ang totoong nanay niya dahil namatay ito matapos ng iniluwal siya sa sinapupunan. Meron nga siyang amang kinalakhan,  pero hindi naman maramdaman ni Clarisse ang presensya nito dahil palaging busy ito sa  mga negosyo. Simula bata tanging mga katulong niya ang kasama sa bahay at nag-aaral naman kasama ang mga pinsan nito sa mansion ng kanyang lola.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 14, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang Dukhang TAGAPAGMANATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon