"Luv,bakit tayo nandito?"
Tanong ko sa kanya pero sadyang abala siya sa bonfire,hindi ko alam kung nasaan kami pero nasa mataas na bahagi kami na lugar kung saan kita ang syudad at abot kamay lang din ang langit.Malamig ang hangin at sobrang presko.
"Halika ka na rito,Luv"pagtatawag niya sakin.Naka upo na siya at don ko lang napagtanto na napa-apoy niya na ang bonfire. Lumapit ako sa kanya at napa-upo sa tabi niya.Niyakap niya ko at hinalikan sa noo bago namin pinagmasdan ang napaka gandang tanawin.
"Malapit nang mag alas' dose,"Gulat akong napalingon sa kanya nang may pag aalala sa mukha."Wag kang mag alala ,sinabihan ko na si tita na bukas na tayo babalik"
Nakahinga ako ng maluwag dahil don.Sinasabi niya yun habang nakatingala sa langit,tumingala rin ako at napagtanto kong ang daming bituin.
Bituing nag niningning sa kalawakan.
"Ayun!Luv humiling kana.'Dali"turo niya don sa bulalakaw.
Masakit,masakit isipin na ang lahat nang ito ay pawang hindi makatutohanan
Lumingon ako sa kanya na malabo ang mata dahil sa nagbabadyang luha.
"Hindi naman yan totoo luv eh. Hindi totoong natutupad ang kahilingan pag sinasabi mo ito sa bulalakaw.Patay na ang mga bulalakaw na yan,matagal na silang patay" lumingon siya sakin nang may ngiti sa labi,ngunit ang mga ngiti na iyon ay may halong lungkot ,at ang aming mga mata ay nag tagpo.
"Kagaya mo"
Hinawakan ko ang pinge niya,tumutulo na ang kanyang luha.
"Pero kung totoo mang tumutupad sila nang kahilingan,hihilingin ko na sana andito ka nalang sa tabi ko,na sana hindi ka nalang nawala nung sumabog ang sinasakyan mong eroplano"
Biglang tumunog ang aking cellphone,kinuha ko yun sa aking bulsa at tinignan.
Happy 5th Anniversary luv
And
1st death anniversary
Lumingon ako sa kanya hinawakan ko ulit ang kanyang pisnge
"You will always be my brightest star, 'Luv"
"Keep on shining"
-♡