DISCLAIMER:
This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this story are either the product of the my imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.Uulitin ko, ang istoryang ito ay kathang-isip lamang na nababase sa kung anuman ang nilalaman ng aking imahinasyon.
Enjoy reading, everyone!❤
SIMULA:
Since we're bestfriends, kailangan may mga rules tayong susunduin." Sabi niya naman sa akin.
"Rules? Kailangan pa ba ng ganon?" Nahihiya ko namang sagot sa kaniya at natawa ng bahagya.
Medyo naiilang pa rin talaga ako dahil hindi ko magawang marealize na sa wakas ay nagkaroon rin ako ng isang kaibigan. Hindi lang basta friend, kundi bestfriend.
"Oo naman, let's start with rule no. 1,"
"Ay nako ah, dapat kapag gagawa tayo ng kasunduan or rules, sigurado tayong dalawa na walang lalabag sa mga yan?" Tanong ko ulit sa kaniya.
"Sure, syempre may consequence kapag may isang rule tayong nilabag." Tumango naman ako sa sinabi niya.
May ibinigay siya sa aking isang papel. "A-ano y-yan?"
"Pumirma ka, yan ang kasunduan nating dalawa na simula ngayong araw ay magbestfriend na tayong dalawa. At nakasaad din dyan na, kailangan nating sundin yung mga rules." Mahaba niya pang paliwanag sa akin.
Akmang babasahin ko na sana ng bigla niya namang inagaw ito sa akin. "Bakit na naman?" Gulong-gulo na ako dito kay Riguel, hindi ko maintindihan e.
"Sabi ko pirmahan mo lang, wala akong sinabing basahin mo." Malamig niyang tugon sa akin.
"Ha?! S-sige." Kinakabahan kong sabi sa kaniya atsaka pinirmahan na ang kasunduan naming dalawa. Kung sabagay hindi ko rin naman kasi maintindihan ang mga nakasaad doon sa kasulatan kaya hindi na ako mag-aabala pang basahin yon.
"Okay na ba?" Tumango naman siya sa akin at bumalik na ulit ang sigla sa mga mukha niya. Natakot kasi ako sa reaksyon niya kanina at biglang lumamig ang pakikitungo niya sa akin.
Siya pa naman ang kauna-unahang naging kaibigan ko sa buong buhay ko, at ayaw ko siyang mawala. Minsan na lang nga ako magkaroon ng isang kaibigan ay ipagkakait pa ito sa akin.
"Teka? Ilan naman yung rules natin?" Tanong kong muli sa kaniya habang kumakain kaming dalawa sa canteen.
"Hmm, 10?" Nanlaki agad ang mga mata ko sa sinabi niya.
"Riguel, seryoso ka ba dyan? 10 rules?" Nanlulumo kong tanong sa kaniya. Hindi ba masyadong madami naman yon? Masunod kaya namin lahat?
Medyo nakaramdam tuloy ako ng kaba. Parang gumagawa na rin kasi kami ng commitment e. Pero sana mag-work naman itong pagiging magkaibigan naming dalawa.
"Uh-huh, do you want me na sabihin ko sayo isa-isa?"
"Yup, para naman may alam rin ako, at wala akong malabag sa mga rules natin."
"Rule no. 1, kung may problema tayo, sa school or family, don't hesitate na sabihin dito. Rule no. 2, kailangan palagi tayong magkasama especially dito sa school, lalo na at alam kong may mga nambubully sayo. Rule no. 3, we have to save our own contact numbers sa sari-sarili nating phones para may contact tayo incase of emergency. Rule no. 4, tuwing prom ako lang ang pwede mong maka-partner, and vice versa. Rule no. 5, dapat lagi tayo magkasama every lunch, and recess." Pinutol ko agad ang sinabi niya.
"Pwedeng ako naman sa natitirang 5?" Tanong ko at nagbabakasakaling mapagbigyan niya ako, para pantay lang naman ang hatian naming dalawa sa rules.
"Nope, may pinirmahan ka nang kasunduan, at nakalagay na doon ang lahat ng rules so meaning hindi mo na siya mababago." Medyo nakaramdam naman ako ng lungkot sa sinabi niya.
"Sige." Parati nalang bang ganito ang isasagot ko sa kaniya? Sige? Oo? Pwede? Lagi nalang ba akong papayag sa nga gusto niya?
Kasi parang pakiramdam ko na wala akong kalayaan para ipahayag yung saloobin ko sa kaniya. Sa pagkakaibigan naming dalawa.
"Rule no. 6, every weekends either saturday or sunday kailangan magbonding tayo, kahit busy ka pa. Rule no. 7, updated dapat ako aa lahat ng mga schedules at ginagawa mo everytime. Rule no. 8, wala ka dapat na magiging kaibigan na lalaki bukod sa akin. Rule no. 9, walang iwanan, kahit anong mangyari we are bestfriends forever. And lastly for rule no. 10," Nagaantay na lamang ako sa sasabihin niya. "Bestfriends lang tayo. Ibig sabihin, hindi na tayo hihigit pa doon."
"What do you mean wala ng hihigit pa doon?" Tumaas ang kilay ko sa kaniya sa pagtatanong ko.
Matagal bago siya sumagot sa akin. "Walang maiinlove. Itong pagkakaibigan natin, hanggang doon nalang walang malisya itong gagawin natin." Sa pagkakasabi niyang iyon ay nakita ko sa mukha niya na medyo malungkot siya.
Napatulala naman ako ng dahil sa sinabi niya. "Oo naman, ang kaibigan ay kaibigan. Walang labis walang kulang. Hanggang doon lang." Mapait naman siyang ngumiti sa mga sinabi ko. Hanggang doon lang kaming dalawa. Mabuti naman at habang maaga pa ay nagkalinawan na rin naman kami tungkol dito.
BINABASA MO ANG
Rules of Bestfriends (Series III) - SOON
Novela JuvenilRylle Jeannina Mendoza, kabilang sa mayamang pamilya ngunit isang adopted child. Shy type, kaya't siya ay madalas na nabubully sa kanilang paaralan. Palaging nag-iisa, kagustuhan lamang niyang makapagtapos ng pag-aaral upang matupad ang kaniyang mga...